Baguio City- Sabik na sabik na ang mga magtatapos sa Nutrition School on the Air na dumalo sa nalalapit na graduation ceremony ng 2018 NSOA sa Agusto 19, 2018, ala- una ng hapon na gaganapin sa Diamond Hall ng Hotel Supreme, Magsaysay Road Baguio City.
Sa taong ito ay mas marami ang bilang ng mga magtatapos kumpara sa unang implementasyon ng programa noong nakaraang taon dito sa Rehiyon ng Kordilyera.
Bagama’t mas kokonti ang nag- enroll sa programang ito ng National Nutrition Council na umabot sa 489 kumpara noong 2017 na 620, mas marami naman ang pumasa ngayon sa bilang na 296 kumpara sa 215 noong naraang taon. Sila ay nakakuha ng mahigit sa kalahati na iskor sa linguhang quiz pagkatapos ng bawat aralin na nagsimula noong Mayo 5, 2018 at nagtapos noon Hulyo 21, 2018 kada araw ng Sabado mula alas- osto hangang alas- nuebe ng umaga.
Ang mga nag- enroll ay kilangang makinig sa MPBC DZWT 540 Radyo Totoo Kumpletos Rekados Radio Program na partner ng NNC sa pagpapatupad ng programa at sagutin ang limang katanungan pagkatapos ng aralin. Ang mga lima na pinaka-unang makapagbigay ng tamang sagot ay mananalo ng electronic load na tig- 30.00.
Sa datos ngayong taon, may lima na Senior Citizen mula edad 60 hangang 67 ang nakibahagi at apat dito ay kasama sa mga magtatapos. Ang pinaka- bata naman a may edad walo.
Samantala, may 37 na participants na edad walo hangang diyes y otso at 17 dito ay nasa elementarya. Ito rin ang dahilan kunga bakit ginanap sa araw ng Sabado ang school on the Air upang mapakingan nila ang bawat topiko.
Ayon sa educational attainment ng lahat ng mga lumahok, karamihan dito a nakapagtapos sa sekondarya sa bilang na 208, sa college level ay 150, elementary level na 61 at 20 na TechVoc/ ALS graduate.
Karamihan sa mga enrollees ay mula probinsiya ng Benguet na 359, Nueva Viscaya na 78, La Union na 17, Ifugao na 15, Baguio City na 12 and ang iba, mula sa Ilocos Sur, Quirino Province at Pangasinan.
Kumpara sa nakaraang taon, may apat ngayon a muntik ng makakuha ng perfect score na 60 points. Sina Abraham Golikey, Nida Marcos, Maricris Salcedo, at Romeo Anton ay nakakuha ng tig- 58 points. Samantala, may 125 participants ang may perfect attendance o naka- kumpleto ng labindalawang sesyon. – CAR-Menu press release