MENU

CAR BNSSIYUDAD NG BAGUIO – Tagumpay ang pagtitipon-tipon ng halos isang libong Barangay Nutrition Scholars (BNSs) mula sa iba’t-ibang panig ng Rehiyon Cordillera sa kanilang 4th Regional Conference na may temang, BNS: Bayani ng Nutrisyon Noon, Ngayon at Bukas!, sa pangunguna ng National Nutrition Council – CAR noong Agosto 29-30, 2018 sa Benitez Hall, Teachers’ Camp, Baguio City.

Ang dalawang araw ng Regional Conference ay naglalayong magbigay ng bagong kaalaman sa pagpapaigting ng programa ng BNS, magbigay lakas-loob at mahikayat sa pagpapatuloy sa serbisyo para sa bayan, magkaroon ng sosyalisasyon at tumugon sa mga isyung pangnutrisyon na kanilang kinakaharap.



Sa unang araw ay natukoy ang mga tungkulin at gampanin ng mga BNSs sa pagpapatupad ng Philippine Plan of Action for Nutrition o PPAN 2017-2022 mula kay Regional Program Coordinator Rita Papey ng NNC-CAR; pagbibigay-liwanag sa paggawa ng BNS Action Plan para sa pagtugon sa PPAN mula kay Ms. Bella Basalong ng NNC-CAR; Tamang Pagsukat ng Taas o Tangkad ng Bata at Pagsukat ng Mid-Upper Arm Circumference o MUAC ay naidemostrate rin mula kay District Nutrition Program Coordinator ng Baguio City Ms. Corazon Cabanayan.


Sa pangalawang araw ay napuno ng iba’t-ibang emosyon mula sa Personality Development ni Dr. Leonarda Aguinalde ng University of the Cordilleras; Updates on BNS Program kay Ms. Rea Bagagunio ng NNC; Wastong Nutrisyon, Alamin, Gawin at Palaganapin kay Ms. Nancy Paclos ng NNC-CAR at nagsilbi ring General Assembly ng BNS Cordillera Federation ang aktibidad sa pamumuno ni Ms. Monica Sicat, ang presidente ng naturang organisasyon.

Isa sa mga pangunahing aktibidad ng conference ay ang pagbibigay-pugay sa mahigit 300 na BNSs na taos-pusong nagsilbi sa kanilang mga barangay ng 25 taon o higit pa.

Ang mga Barangay Nutrition Scholars o BNSs ay pinapagtibay ng Presidential Decree 1569 mula pa noong 1978. Ang mga BNSs ay mga boluntaryong kawani sa barangay at sila ang pangunahing tagapaghatid ng mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon sa kanilang mga barangay.