MENU

Delegates of  Santa, Ilocos Sur headed by Mayor Jesu Bueno Jr. receiving their Green Banner Awards and Plaque of Recognition during the 2017 Regional Nutrition Awarding Ceremony held at Bangko Sentral ng Pilipinas Convention Hall, City of San Fernando, La UnionSiyudad ng San Fernando, La Union - Pinangunahan ng National Nutrition Council-Regional Office 1 (NNC-RO1) ang pagkilala sa mga natatanging indibidwal, lalawigan, bayan, at lungsod na itinuturing na mga kampeyon ng nutrition sa Rehiyon Uno sa ginanap na Regional Nutrition Awarding Ceremony noong nakaraang December 5, 2017 sa Bangko Sentral ng Pilipinas, San Fernando City, La Union.

Ang RNAC ay taunang aktibidad ng NNC-RO1 katuwang ang mga miyembro ng Regional Nutrition Committee upang kilalanin ang mga local partner at indibidwal na nangunguna sa pagtulong na maisulong ang mga kampanya ng ahensya sa pagsugpo ng kagutuman at malnutrisyon sa kani-kanilang lugar noong 2016.



Ang mga sumusunod na lugar ang mga nabisita ng mga nutrition evaluator para sa Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) Province, Municipal, and City Category respectively:
          Province of Ilocos Norte including Municipalities of Sarrat, Marcos, Bangui, Burgos, and Cities of Laoag & Batac.
          Province of Ilocos Sur including Municipalities of Santa, Sinait, San Ildefonso, San Emilio, Cabugao, and Cities of Vigan & Candon.
          Province of La Union including Municipalities of Luna, Bacnotan, San Gabriel, Santol, and City of San Fernando.
          Province of Pangasinan including Municipalities of Umingan, Bayambang, Basista, Mapandan, Mangatarem, and Cities of Alaminos & Urdaneta.

Narito ang mga listahan ng nabigyang parangal:

2016 REGIONAL OUTSTANDING BARANGAY NUTRITION SCHOLAR

 

Ms. Irene T. Casino of Brgy. Palacapac, Candon City –  ROBNS
Ms. Estelina P. Bernardo of Brgy. San Manuel, Sarrat, Ilocos Norte – 1st Runner-up  
Ms. Jelyn Sampaga of Brgy. Mamay, Luna, La Union – 2nd Runner-up  
Ms. Julie Ann P. Soriano of Brgy. Napanaoan, Santa, Ilocos Sur – Finalist
Ms. Anaryll Adriatico of Brgy. Ayusan Norte, Vigan City – Finalist
Ms. Riza Gandia of Brgy. Tulong, Urdaneta City – Finalist
Ms. Karen Diaz of Brgy. Bacsil North 56-A, Laoag City – Finalist
Ms. Rovamir Brioso of Brgy. San Vicente, San Fernando City – Finalist
Ms. Janette Caranto of Brgy. Dumpay, Basista, Pangasinan – Finalist
Ms. Linda Dizon of Brgy. San Roque, Alaminos City – Finalist

Nanalo naman ang Municipality of Santa, Ilocos Sur para sa Search for Regional Green Banner Awardee, Municipal Category. Finalists ang Municipalities of Luna, La Union at Sarrat, Ilocos Norte.

Sa City Category, pinarangalan ang Vigan City, Ilocos Sur na Regional Green Banner Awardee.

Lahat ng mga pinarangalan ay tumanggap ng prestihoyosong green banner at plaque para sa mga towns at city, plaque at cash prizes para naman sa mga OBNSs. Hinikayat ni Dr. Jimuel Cardenas ang kinatawan ni RNC Chairperson Dir. Myrna Cabotaje ng DOH-RO1 ang lahat na patuloy na isulong ang nasimulang kampanya para sa malusog na pamayanan.

Binigyang diin naman ni DILG Regional Director, James F. Fadrilan bilang panauhing pandangal sa nasabing okasyon na maging tapat at may integridad na gampanan ng bawat isa ang kanilang tungkulin sa mga mamamayan lalong lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa kalusugan.

Nagtapos ang RNAC na puno ng pasasalamat mula kay NPC Ma. Eileen Blanco ng NNC-1 at hamon na sa susunod na taon ay mas marami sanang lugar sa rehiyon uno ang sumuporta at lumahok sa adbokasiyang pang-nutrisyon. (Mark Gemson Espinosa)