MENU

Bayambang articleBayambang, Pangasinan (PIO, LGU-Bayambang) -Nasa pangatlong linggo na ang pamamahagi ng relief food packs sa 77 barangays para sa mga itinuturing na "vulnerable children" ng Nutrition Office. Sa pagkakataong ito, tanging masusustansyang pagkain lamang ang ipinamigay na relief goods, at ang mga ito ay mula sa aning gulay at prutas ng mga lokal na magsasaka, sa tulong ng Agriculture Office gamit ang pondo ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.

Binili ng lokal na pamahalaan ang mga naturang produkto upang magbigay ng dagdag na kita sa mga magsasaka ngayong panahon ng lockdown at quarantine dulot ng pandemya.

Bawat food pack na nakalaan para sa isang bata ay naglalaman ng bagong aning kalabasa, talong, kamatis, bunga ng malunggay, at melon o honeydew. Ito ay sinamahan din ng sandosenang itlog.