MENU

NMNoong Hulyo ay ipinagdiwang ang Buwan ng Nutrisyon sa buong bansa. Lahat ng rehiyon, mga probinsya, siyudad, munisipyo at barangay ay nagkaroon ng iba-ibang paraan ng pagdiriwang.

Sa Rehiyon I ay pinangunahan ng National Nutrition Council Regional Office I noong ika-2 ng Hulyo ang paglulungsad ng naturang pagdiriwang sa pamamagitan ng video presentation at press conference na napanood at napakinggan sa NNC-ROI at PIA-1 Official Facebook Page, at iba’t ibang local na estasyon ng radyo sa buong rehiyon.

Bukod dito ay nagkaroon din ang NNC-ROI ng Nutri-Jingle Video Contest, Nutrition Month Pagbati Challenge Season 2, Idol ko si Nanay at Tatay sa Kusina: Complementary Cooking Demo Series, 2020 Nutrition Month Webinar Series cum RLNAOs Online Conference, NutriBreak, Nutrivia at Nutri-Challenge, Pak na sa Info, Pak pa sa Load!

Ang Nutri-Jingle Video Contest ay nilahukan ng mga BNS mula sa Ilocos Norte, ilocos Sur at La Union. Samantalang nasa 79 na grupo ang sumali sa Nutrition Month Pagbati Challenge na binubuo ng mga ahensya, lokal na pamahalaan, mga ospital at mga school divisions hindi lang sa rehiyon kundi sa iba pang karatig na mga lugar.

Ang Idol ko si Nanay at Tatay sa Kusina Complementary Cooking Demo Series ay nagkaroon ng apat na kabanata tungkol sa paghahanda ng iba’t ibang pagkain para sa sanggol na 6 hanggang 24 na buwan. Ito din ay napanood sa Official Facebook Page ng NNC-ROI ng alas-diyes ng umaga tuwing sabado ng Hulyo.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa din ang 2020 Nutrition Month Webinar Series cum RLNAOs Online Conference tuwing Martes ng ika-1 at kalahat ng hapon na nagsimula noong ika-21 ng Hulyo at magtatapos sa ika-25 ng Agosto. Ito ay may 6 na paksa. Ang mga naturang paksa at ang mga tagapagsalita ay ang mga sumusunod: “Stunting and First 1000 Days” ni Gng. Jovita Raval ng National Nutrition Council, “Food Safety during pandemic: moving towards a new normal” ni G. Decth1180 Libunao ng Department of Science and Technology Region 1, “Mental Health amid COVID-19 pandemic” ni Dra. Magnolia Brabante ng Department of Health Region 1, “e-Document Like a Pro! Essentials of Good Documentation for the Local Nutrition Committees” ni G. Daniel Salunga ng National Nutrition Council, “Vegetable production to ensure food security amid COVID-19” ni G. David John Rondal ng Department of Agriculture Region 1, at “Strengthening local nutrition action through integration: key policies for local nutrition planning in the new normal” ni G. Kendall Pilgrim A. Gatan ng National Nutrition Council Region 1.

Sa kabilang dako, ang NutriBreak, Nutrivia naman ay mga videos ng kaalaman tungkol sa unang isang libong araw ng mga bata.

Ang Nutri-Challenge, Pak na sa Info, Pak pa sa Load! naman ay isang online quiz na kung saan may mga taga ibang rehiyon din na lumahok at nanalo. Ang bawat nanalo ay nakatanggap ng 100 pesos na cellphone load.

Bukod sa mga naging aktibidad ng NNC Regional Office 1 ay nakiisa din ang iba’t ibang mga ahensya at mga lokal na pamahalaan. Ilan sa kanilang mga ginawa ay ang paglalagay o pagsasabit ng banner ng Nutrition Month, pagsasagawa ng mga lecture tungkol sa unang isang libong araw ng mga bata, supplementary feeding, online cooking demo, breastfeeding mom contest, snapshot contest, online cooking contest, online quizzes at webinar series.

Tunay nga na sa kabila ng pandemya ay matagumpay pa ding naipagdiwang ang Buwan ng Nutrisyon sa Rehiyon Uno. /CPF