MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 870

Dumarami ang kaso ng malnutrition sa rehiyon uno ayon sa pinakahuling talaan ng National Nutrition Council. Umabot sa 24,070 ang bilang ng mga batang severely underweight at underweight sa buong rehiyon uno samantalang 8,586 naman ang overweight sa mga batang may edad 0 hanggang 5 taong gulang. Sa bilang na ito, 13,412 ang severely underweight at underweight na mga bata ang nasa Pangasinan, 3,973 naman sa La Union, 3,435 sa Ilocos Sur at3,250 sa Ilocos Norte. Samantala ang mga overweight naman ay umaabot ng 6.035 sa Pangasinan, 1,032 sa Ilocos Sur, 916 sa La Union at 603 sa Ilocos Norte.

Ayon sa National Nutrition Council sa rehiyon uno, nakakabahala ito pagkat underweight man o overweight ang mga bata, ito ay maituturing pa ring senyales ng malnutrition.

Kamakailan ay ipinaliwanag ni Nutrition Program Coordinator Ma. Eileen Blanco na ang paglobo ng malnutrisyon sa rehiyon lalo na ang mga Overweight ay katulad din sa ibang rehiyon na bunsod ng hindi mainam na paraan ng pamumuhay sa ngayon. Aniya, ang mga bata ay hindi na nakapaglalaro ng mga larong pisikal bagkus ay madalas na lamang nakaharap sa kanilang mga gadgets at kasabay ng pagnguya ng mga junkfoods.

Dahil dito ay nakikipag ugnayan na ang NNC sa Regional Organization of Nutrition Development Advocates na binubuo ng mga kinatawan ng media na maging bahagi ng kampanya ukol sa pagbabago sa pamamaraang ito.

Isa sa mga programa ng NNC at RONDA sa taong ito ay ang pamamahagi ng impormasyon sa mga magulang lalo na sa mga nanay ang pagpapasuso pagkapanganak hanggang anim na buwan at pagbibigay ng “complementary food” habang tinutuloy ang pagpapasuso hanggang dalawang taon, pag-ehersisyo at pagpapalaganap ng pagtatanim ng malunggay na tinaguriang “Miracle Food”.