MENU

r02 Pagtatapos ng Paaralang Panghimpapawid - Closing Message 2012Sa atin pong pinagpipitagang mga panauhin, mga ka-partner sa programang paaralang panghimpapawid sa nutrisyon— our Regional Nutrition Coordinator Mam Julie Maestre, City Government of Tuguegarao through our City Health Officer Dr. James Guzman and our City Nutritionist Amy Calubaquib, mga magagaling na nagsipagtapos, mga kaibigan natin sa media, at sa inyong lahat...

“Scientia Potentia est”—ito ay kasabihan sa wikang latin na kadalasan ang interpretasyon ay ‘knowledge is power”—ang kaalaman ay kapangyarihan. Kung noon ay hindi natin gaanong nabibigyang-halaga ang natural na gatas ng ina at mas proud tayong magkuwento na ang ating apo o anak ay nagga-gatas ng mamahaling formula milk, ngayon ay ipaglalaban na natin ang breastfeeding—makakamenos na tayo sa gastos, natitiyak pa natin ang kalusugan at katalinuhan ng ating anak o apo. Yan ay dahil nalaman natin ang totoo sa pamamagitan ng paaralang panghimpapawid kaya nabigyan tayo ng kapangyarihan na gumawa ng matalinong desisyon para sa ating kabutihan.

Sa loob ng 20 araw na pakikinig sa mga aralin, sana ay tunay na nabigyan kayo ng kaalaman sa nutrisyon na magbibigay-kapangyarihan sa inyo upang matiyak na ang inihahain natin sa ating hapag-kainan ay masustansiya, na ang ating itinatanim tulad ng malunggay, munggo at kalabasa ay makapangyarihang mga gulay at magmula ngayon, tuwing maglalabas tayo ng pera para sa pagkain, iisipin natin kung ito ba ay dapat bilhin at ihain. Kung masipag tayong bumili at magtanim ng nagmamahalang mga bulaklak o ornamental plants, ganun din sana ang sigasig natin sa pagtatanim ng mga gulay at prutas sa ating mga bakuran, at kung magaling tayong mag-remedyo kung saan ilalagay ang binili nating orchid, sana magaling din tayong magremedyo kung paano tayo makapagtatanim ng mga gulay kahit pa masikip ang ating mga lugar.

 

“Scientia potestas est”—ito ang orihinal na sinulat ni sir francis bacon na ang ibig sabihin ay “knowledge is HIS power’” na tumutukoy sa Diyos dahil siya ay naniniwala sa kapangyarihan ng Diyos. Binigyan tayo ng Panginoon ng dunong upang matamasa natin ang benipisyo ng Kanyang iba pang likha, kaya sana po ang lahat ng ating natutunan sa paaralang panghimpapawid ay ating gamitin at ipamahagi sa ating mga kumare’t kaibigan na hindi nakasali sa ating NSOA.
Sa puntong ito, bilang taga-pamuno ng PBS-DWPE Radyo ng Bayan Tuguegarao, nais po naming ihatid ang aming lubos na pasalalamat sa inyo, mga BNS at mga nanay na nakibahagi sa ating programa, kung wala kayo walang naging saysay ang aming paaralang panghimpapawid, sa pamahalaang lokal ng Tuguegarao sa pamamagitan ng City Health Office, kay Dr. James Guzman at kay City Nutritonist Amy Calubaquib na hindi po natin matatawaran ang kanilang naging partisipasyon, tulong at kooperasyon sa programang ito at sa NNC regional office 02, sa staff at personnel nito na pinamumunuan ni Mam Julie Maestre na talaga namang ibinigay ang lahat, ng higit pa sa inaasahang tulong para maging matagumpay ang ating programa at siempre sa aking staff, sina Vivian de Guzman,Mercy Quinan, Teresa Campos at Lani Perez, gayon din ang administrative at technical staff namin na naging excited din sa paglulunsad hanggang sa pagtatapos na ito—mula sa kaibuturan ng aming mga puso, salamat sa inyong lahat na dumalo dito—ang Diyos ang magbigay-pala sa ating lahat. Mabbalo.

The National Nutrition Council Region 02 in partnership with Philippine Broadcasting System and City Nutrition Committee of Tuguegarao City recently concluded the the First Cycle of Nutrition School on the Air (Paaralang Panghimpapawid) last December 19, 2012 at Tuguegarao City Science High School with 65 mothers, and Barangay Nutrition Scholars who succesfully finished the 20 module of the course.

Also in attendance were the Regional Nutrition Committee members, Balay ni IFAN media group, and City Councilors of Tuguegarao City.