Ang kasabihan: ‘Kapag gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan”.
Muli na naman itong pinatunayan ng NNC-Region III Team at naging isang hamon na sa bandang huli ay naging isang matagumpay na gawain. Napag tagumpayan ng aming team ang pagsasagawa ng 7 batches ng online Provincial Consultative Meetings, na dinaluhan ng mga nutrition workers mula ika-26 ng Hunyo hanggang ika-9 ng Hulyo 2020.
Ang mga balakid o dahilan upang hindi makadalo ay ang kawalan ng laptop o computer; kakayahan ng nutrition worker sa paggamit ng makabagong information technology o di kaya naman ay kawalan ng signal o internet connection. Nakatutuwang isipin na bagama’t may ganitong sitwasyon, hindi pa rin nagbago ang suporta ng mga nutrition workers na aming nakasama, kahit na para sa ibang nutrition workers ito ay nagdulot din ng dagdag na gastos gamit ang “load data” ng kanilang cellphone upang makadalo sa pagpupulong. Tuloy ang passion for nutrition, ika nga.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang NNC-Region III ay naglunsad sa panahon ng selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon 2020 ng isang Provincial Consultative Meeting na tumutukoy sa pagsasakatuparan ng programang pangnutrisyon sa 7 lalawigan, 14 na siyudad at 116 na mga bayan sa rehiyon ng Gitnang Luzon.
Ang pagpupulong na ito ay nilahukan ng mga Nutrition Action Officers, District at City Nutrition Program Coordinators kasama ang mga pangulo ng bawat pederasyon ng mga Barangay Nutrition Scholars ng 7 probinsiya at 14 na siyudad sa Gitnang Luzon.
Ang bawat batch ay naisagawa gamit ang zoom app sa mga sumusunod na lalawigan at siyudad: 1) Lalawigan ng Nueva Ecija at component cities: Cabanatuan, Gapan at San Jose noong ika-26 ng Hunyo 2020; 2) Lalawigan ng Pampanga; component cities: San Fernando at Mabalacat at highly-urbanized city of Angeles noong ika-2 ng Huly0 2020; 3) magkasunod sa isang araw ang Lalawigan ng Bataan at component city: Balanga (umaga) at Lalawigan ng Tarlac at component city: Tarlac (hapon) noong ika-6 ng Hulyo; 4) Lalawigan ng Zambales at highly urbanized city of Olongapo noong ika-7 ng Hulyo 2020; 5) Lalawigan ng Aurora noong ika-8 ng Hulyo 2020, at 6) Lalawigan ng Bulacan at component cities: Malolos, Meycauayan and San Jose Del Monte noong ika-9 ng Hulyo 2020. Nagplano rin ang NNC-Region III na magkaroon ng face-to-face meeting para sa Lalawigan ng Tarlac at Zambales ayon na rin sa kanilang pakiusap subalit minarapat na ito ay ipagpaliban muna upang matiyak ang kaligtasan ng mga magsisidalo sa pagpupulong.
Layunin ng Consulative Meetings na maisagawa ang mga sumusunod: 1) magkaroon ng malayang talastasan at pagbibigay ng saloobin ng bawat isa; 2) pag-usapan ang mga bagay na sadyang kailangan o na-aangkop sa bawat lalawigan at siyudad; 3) makapagbigay ng tamang ayuda ayon sa pangangailangan o “province-specific towards a shepherding session” at 4) magkaroon ng strategic plan ang NNC-Region III upang matutukan ang problema ng stunting.
Ang mga paksang tinalakay o agenda ng pagpupulong ay ang mga sumusunod: 1) Assessment of Functionality of Provincial/City/Municipal Nutrition Committee; 2) LGU Mobilization Strategy – Integration of nutrition in Annual Investment Plans and Budgets for CY 2021-2022; 3) DOH Department Memorandum No. 2020-0231; 4) Compendium of Local Ordinance on Nutrition; 5) 2020 Nutrition Month Celebration; 6) OPT Plus and Rapid Nutrition Assessment; 7) Guidelines on the Availment of NNC’s Medical and Survivorship Assistance; 8) E-learning Course on Local Nutrition Program Management; at 9) Virtual election of provincial officers for CY 2020-2022. Para sa mga Lalawigan ng Zambales at Nueva Ecija, isinama rin sa mga pinag-usapan ang bagong proyekto na isasagawa ng Food and Nutrition Research Institute of the Department of Science and Technology na naglalayong pag-aralan ang mga naging aksyon or good practices ng LGUs ukol sa pandemya ng COVID-19 sa apat na munisipyo bilang target sites sa bawat lalawigan sa nalalapit na buwan ng Setyembre.
Mga naging kasanayan ng mga nagsidalo matapos ang pagsasagawa ng mga pagpupulong: 1) nagkaroon ng updates at latest information; 2) nagkaroon ng pagkakataong malaman ang mga tungkulin at gampanin sa panahon ng pandemya; 3) nalaman ang mga naging kontribusyon ng LGUs sa panahon ng pandemya; 4) makapagbalangkas ng mga bagong proyekto na naaayon sa problema ng stunting kahit sa ilalim ng enhanced community quarantine o “new normal” situation; 5) makitang muli ang isa’t-isa na nakapagbibigay ng suportang moral at ng bagong pagasa sa isa’t isa.
Mga aral mula sa ginawang pagpupulong: 1) Indeed, nothing can beat the power of prayer-maganda sa pakiramdam na simulan ang pulong sa pagdarasal ng Nutrition Month Prayer; 2) Nagkaroon ng pagkakataon ang NNC-Region III na mas makuha ang saloobin ng bawat isa kumpara sa pagpupulong na magkakasama ang lahat o general assembly ng mga Nutrition Action Officers at Nutrition Program Coordinators; 3) nagkaroon ng pagkakataon na magbahagi ng kanilang saloobin ang mga BNS Presidents lalo na sa usaping pambarangay; 4) Nadiskubre ang kakayahan at aktibong pakikibahagi ng bawat lalawigan at siyudad; 5) nagkaroon ng mga kasunduan ukol sa patuloy na pagsasagawa ng programang pangnutrisyon kahit nasa ilalim ng mapanghamong banta ng COVID-19 disease; at 6) may mga nutrition workers na sadyang hindi nagsasalita ngunit naroon pa rin ang tulong at suporta, mga “silent workers” ika nga.
Isang malaking pagsubok sa ating mga lokal na pamahalaan ang paglaganap ng pandemya na ito. Ito ay nagdulot nang malawakang pagbabago sa karamihan hindi man sa lahat, kung paano titingnan ang buhay at kung paano mabubuhay sa kasalukuyang sitwasyon.
Ngunit sa larangan man ng kalusugan, lalo na sa kaalamang pangnutrisyon, ang pandemya na ito na dulot ng COVID-19 ay masasabing nakatulong upang mapagtanto ng lahat na higit na makabuluhan na pagtuunan natin ngayon ang kalusugan at tamang nutrisyon upang maiwasan at hindi lamang labanan ang seryosong sakit na ito. Kaya naman, naniniwala din kami bilang regional NNC’s Working Team sa kasabihang “If there is a will, there is really a way – fighting stunting, fighting COVID-19”.
Author:
NO III Angelita M. Pasos
21 July 2020