Muli, sa aming layunin na maiparating ang maigting na pagnanais na masugpo ang stunting, naisagawa ang isang on-line na pagpupulong para sa ating mga itinuturing na bagong bayani ng bayan.
Minabuti ng NNC-Region III na tawagin ang members ng Central Luzon Association of Barangay Nutrition Scholars, Incorporated (CLABI) Board noong ika-24 ng Hulyo 2020 sa isang follow-through meeting. Sila ay naging bahagi ng isinagawang 7 batches ng virtual Provincial Consultative Meetings mula ika-26 ng Hunyo hanggang ika-9 ng Hulyo 2020.
Hindi naman maikakaila na naging dahilan din nang hindi pagdalo ng mga BNS sa naturang pulong ay ang kawalan ng laptop o computer; kakayahan ng BNS sa paggamit ng makabagong information technology at kawalan ng signal o internet connection sa tirahan ng mga BNS.
Nguni’t wika nga, “pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy”. Nanaig pa rin ang passion for nutrition. Isang halimbawa ay ang pagdalo ng pangulo ng BNS federation ng Balanga City na sa kasalukuyang nasa United States of America ngayon. Gamit ang kanyang cellphone, nag-upload ng zoom app, ay nagtiyagang makinig, maghain ng panukala ukol sa mga paksang tinalakay at nagsumite ng kanyang “homework” kahit siya ay napuyat.
Layunin ng pulong na ito na maisagawa ang mga sumusunod: 1) magkaroon ng malayang talastasan at pagbibigay ng saloobin ng bawat isa; 2) pag-usapan ang mga bagay na sadyang kailangan ng bawat bayan at barangay; 3) makapagbigay ng tamang ayuda sa mga BNS ayon sa tama o tiyak na pagsasanay o specific training needs para tugunan ang pangangilangan din ng kanyang mga nasasakupan; at 4) malaman ang plano ng Team CLABI bilang tulong sa mga barangay upang matutukan ang problema ng stunting.
Ang mga paksang tinalakay o agenda ng pagpupulong ay ang mga sumusunod: 1) Presentation of Accomplishments and Constitution and By-Laws of the Central Luzon Association of Barangay Nutrition Scholars, Inc. (CLABI) by former CLABI President; 2) Presentation of Status of CLABI Funds; 3) Status of the SEC Registration; 4) Feedback on the LuzViMin BNS, Inc Meeting by current CLABI President; 5) Role of BNSs in the PPAN and in the prevention of child stunting; 6) Assessment of Functionality of Local Nutrition Committees; 6) Report of the World Bank on its study on “Do beliefs and attitudes of frontline nutrition and health workers play a part in the persistence of chronic undernutrition in the Philippines?”; and 7) Mini-Workshop – “homework” to be submitted on 28 July 2020.
Ang iba pang tinalakay na may kinalaman sa napag-usapan noong provincial consultative meetings ay inihain muli: 1) 2020 Nutrition Month activities; 2) OPT Plus and Rapid Nutrition Assessment; 3) Inventory of Measuring Equipment’ 4) Online oath taking ceremony; 5) Participation in the Online Training on Integration of Nutrition in the Local Development Plan and Budgets; at 6) Capacity building training that BNSs needs.
Mga kaalaman na nakuha ng mga nagsidalo buhat sa naging pagpupulong: 1) nagkaroon ng latest information; 2) mga katungkulan at gampanin bilang tugon sa Philippine Plan of Action for Nutrition lalo na sa panahon ng pandemya; 3) kontribusyon ng kapwa BNS sa pagbabalangkas ng mga bagong proyekto na naaayon sa problema ng stunting kahit sa ilalim ng enhanced community quarantine o “new normal” situation. Naipakita din ang pagpapahalaga sa isa’t-isa at ang kasiyahang makitang muli ang isa’t-isa na nakapagbibigay ng suportang moral at ng bagong pagasa sa isa’t isa.
Higit kaninuman, mas malaking hamon ang nakaamba sa ating mga BNSs ngayong panahon ng pandemya na ito dahil sa double burden of responsibility: sa nutrisyon - bilang isang frontliner for families with malnourished children; sa pandemya, bilang isang frontliner fighting against COVID-19 para sa kanyang pamilya at ka-pamilya sa kanyang komunidad o barangay.
Bagama’t nabigyan nang pagkakataon ang mga BNSs na makasama sa Social Amelioration Program ng ating pamahalaan, hindi pa rin matatawaran ang kanilang suporta upang makatulong sa pagpapalaganap ng kaalamang pangnutrisyon, tamang nutrisyon upang maiwasan at labanan ang COVID-19.
Barangay Nutrition Scholars palakasin, upang wastong nutrisyon ay alamin, gawin at palaganapin!
Author:
NO III Angelita M. Pasos
30 July 2020