MENU
128054647 463670671282885 9084636396250374147 o
Ang Municipal Nutrition Committee ng Bayan ng Talavera sa pangunguna ni Mayor Nerivi Santos-Martinez ay nakiisa sa programa ng National Nutrition Council na “TUTOK KAINAN” na kung saan bibigyan ng masusustansyang pagkain sa loob ng 120 days ang mga batang may mababa ang timbang na may edad na 6-23 months old.  

Ang isa sa layunin ng programa ay masuportahan ang RA 11148 o First 1000 days ng mga bata para sila at maging malusog at masigla bago sila mag dalawang taong gulang.

Para maging matagumpay ang programa ng Municipal Nutrition Office sa pangunguna ni Mr. Arjhay P. Bernardo, Municipal Nutrition Action Officer  ay nagkaruon sila ng programa na “Kalinga ko, Undernourished ko..!” na kung saan ay pakakainin ng Barangay Nutrition Committee ang mga batang may mababang timbang na may edad 6-23mos sa kanilang barangay. Sa pakikiisa ng Barangay Nutrition Scholar sila ang mismong tututok upang siguruhin na ang bawat pagkain na inihahain sa mga bata ay talagang nakakain.  

Naniniwala ang Municipal Nutrition Committee na pagnatapos ang programa ang lahat ng mga batang benepesyaryo ay gagaling at magiging tama na ang kanilang timbang bago sila tumungtong da ika dalawang taong gulang.  

May akda: MNAO Arjhay Bernardo