MENU

06 2021 Gasan Pantry

Sa nararanasan nating pandemya, nagkaroon ang mga tao ng isipin at alinlangan kung paano nila itatawid ang kanilang pamilya sa pang araw-araw na pangangailangan lalo na ang pagkain dahil na rin sa kadahilanan na maraming Pilipino ang nawalan ng hanap buhay.  Ngunit sa kabila ng hirap at kawalan ng trabaho, hindi nawalan ng pag-asa ang mga Pilipino. Sa pagtutulungan, ang Community Pantry ay nabuo, ito ay para sa mga kapos at nangangailangan, ito ay para rin sa mga gusto at may kakayahang tumulong. Ito ang nagbigay ng katagang “Mabigay ayon sa Kakayahan, Kumuha batay sa Pangangailangan”. Ito ay nagsimula lamang sa Maginhawa, Quezon City at ngayo’y nagsulputan na sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas at hindi na lang dito sa Pilipinas ngunit nahawaan na rin natin ang ibang bansa katulad ng bansang Laos.

Dahil sa ideya ng Community Pantry, naisipan ng Sangguniang Barangay ng Brgy. Cabugao, Gasan, Marinduque sa pangunguna ng Barangay Nutrition Committee (BNC) na bumuo ng Community Nutri-Pantry para sa mga batang School Children at Preschool Children na may layunin na tumulong na maiwasan ang kanilang pagkagutom, maibsan at mapangalagaan ang kanilang kalusugan, at lalo na hindi mapabayaan ang pagbaba ng antas ng kanilang timbang kahit na sa oras ng pandemya.

Ang mga pagkaing naipamahagi sa Community Nutri-Pantry ay lugaw, itlog, gatas, nutribun, momsies, at biskwit na pinagtulungan ng mga BNC members, mga guro at estudyante ng Cabugao Elementary School, Day Care Workers, at Barangay Nutrition Scholars. Kasama rin sa mga tumulong at sumuporta sa programang ito ay sina District Nutrition Program Coordinator (DNPC) ng Provincial Nutrition Office (PNO) ng Marinduque na si Gg. Maureen Leyco, kasama rin si Gg. Jeanette Juanita Motol, ang Municipal Nutrition Action Officer ng Gasan, Marinduque, at iba pang mga private people.

Lahat ng mga bata ay nabibigyan ng mga pagkain kahit na dumaraang tricycle na may skaay na bata ay hindi makakalagpas ng walang pagkain galing sa pantry. Ito ay isa sa mga programang pang nutrisyon na layunin ay makatulong sa mga magulang ng mga bata na kapus palad na mabigyan ng extrang mapagkukuhaan ng pagkain. Ang Community Nutri-Pantry ay nagsimula noong 14 May at ngayon ay kasalukuyang nag iipon ulit ng nga donasyon para magsagawa ng panibagong Community Nutri-Pantry.

Jeanette Juanita Motol (MNAO), (AVETP)