MENU

Article Banner One Egg a Day Program

Sa pangunguna ng pamahalaan ng Occidental Mindoro katuwang ang Provincial Health Office ay inilunsad ang “One Egg a Day Program” para sa mga piling munisipyo na mataas ang prevalence ng Severe at Moderately Acute Malnourished (SAM and MAM) at stunted children. Kabilang dito ang local na bayan ng Abra de Ilog, Paluan at Mamburao. 

Ang itlog ay isa sa abot-kayang pagkain na pwedeng pagkuhaan ng protina na mahalaga para sa pangangatawan ng isang tao lalong lalo na sa mga bata na patuloy pa ang paglaki at pag-develop ng katawan. Ilan pa sa mga mineral o bitamina na makukuha sa itlog ay ang mga sumusunod:

    1. Choline – mahalaga sa paggalaw ng muscles at normal na paggana ng utak lalo na sa memorya at pag iisip. Ito din ay nakakatulong upang matunaw ang sobrang cholesterol sa katawan.

choline

    2. Biotin – ang bitamina na nakakatulong para sa pagtunaw ng iba pang sustansya na pumapasok sa ating katawan.

biotin

    3. Bitamina A – nakakatulong sa kalusugan ng ating mga mata, produksyon ng white blood cells na mahalaga para sa pagpapatibay ng ating resistensya at pagbuo sa ating mga buto.

bitamina a

    4. Lutein and Zeaxanthin – ilan lamang sa mga tinatawag na antioxidants na makukuha sa itlog, ito ay nakakatulong upang mapanatili ang kalusugan ng ating mga mata. Ayon sa mga siyentipikong oag-aaral, nakakatulong din ito upang mapababa ang mga bad cholesterol sa ating katawan na pwede maging sanhi ng pagkakaroon ng cardiovascular diseases.

Ang “One Egg a Day Program” ay inilunsad upang maiangat ang antas ng nutrisyon ng mga batang nakararanas ng malnutrisyon sa mga nasabing lugar na isasagawa sa loob ng tatlong buwan. Maliban sa itlog ay nauna nang namahagi ng hygiene kits at bitamina, nagsagawa ng deworming, nagtimbang at nagsukat ng height upang maging batayan ng pagbabago sa pangangatawan ng mga benepisyaryo, nagturo ng kahalagahan at tamang paglilinis ng katawan. Ang programang ito ay kasalukuyang isinasagawa na nagsimula nitong Pebrero ng kasalukuyang taon katuwang ang pamahalaan ng Abra de Ilog na mayroong higit kumulang dalawang daang (200) benepisyaryo na nabibilang sampung barangay.
Egg Photo 1

Egg Photo 2

Ang programa ay inaasahan na magkaroon ng magandang resulta sa kalagayang pang nutrisyon ng mga napiling benepisyaryo, ang monitoring ay patuloy na isinasagawa kasabay ng pagpapatupad nito at ang pagsusuri ng resulta makaraan ang tatlong buwang implementasyon.  Ito nawa ay magsilbing simula tungo sa pagbaba ng prevalence ng malnutrisyon sa bayan. Laging isaisip na ang mamamayang may malusog na pangangatawan ay isang susi sa pag unlad ng bayan.

Isinulat ni: DMO II (PNFP) Jhanna Camela C. Torres

References:

National Institute of Health. (nd). Choline: Fact Sheet for Consumers. Retrieved from https://ods.od.nih.gov/factsheets/Choline-Consumer/#:~:text=Choline%20is%20a%20nutrient%20that,that%20surround%20your%20body's%20cells.

Egg Info. (nd). Vitamins and Minerals in Eggs. Retrieved from https://www.egginfo.co.uk/egg-nutrition-and-health/egg-nutrition-information/vitamins-and-minerals