Isang malaking hamon para sa Barangay Anas, Masbate City ang apatnapu’t dalawang (42) malnourished children na naitala sa kanilang barangay nuong 2021. Ngayong panahon ng maraming pamilya ang hirap makakuha ng sapat na pagkain at halag ng nutrisyon na kailangan ng mga bata.
Sa pamamagitan ng Direct Observed Supplementary Feeding (DOSF) Program na inilunsad ng City Government of Masbate, bahagyang naibaba ang malnutrisyon sa barangay. Ang DOSF ay nagsimula nuong Mayo 17, 2021 para sa mga batang anim (6) na buwan hanggang limang (5) taong gulang sa Siyudad ng Masbate. Kasama ang Barangay Nutrition Scholars (BNS) na si Medina Suplito, at Barangay Health Worker (BHW) Elenita Suplito, bahay sa bahay ang pagbigay ng mga pagkaing inihanda tulad ng linagang itlog, champorado, monggo misua, arozcaldo, lugaw, kalabasa at iba pang nilutong pagkain para sa bata. Kasama rin nito ang pagbibigay ng mga bitaminang kailangan para sa malusog na pangangatawan ng bata. Patuloy din ang pag obserba sa health safety protocols sa distribyusiyon ng mga pagkain para sa kaligtasan ngayong pandemya.
Sa tulong at suporta ng Punong Barangay Franklin C. Asne, City Nutrition Action Officer, Dr. Ma. Theresa Arollado, City Mayor Rowena R. Tuason, at ang National Nutrition Council Bicol, napadali at naging maayos ang implementasiyon ng programa. Sa kasalukuyan, ipinagmamalaki ng Barangay na may labing lima (15) na bata na lang ang malnourished. Ibig sabihin, napabuti ng animnapu’t apat na pursyento (64%) ang kalagayan ng mga batang malnourished sa barangay. Patuloy ang Direct Observed Supplementary Feeding hanggang ngayong Enero ngayon 2022.
Source: BNS Suplito
- SSAP, MCV. NNC RO V