MENU

BALUD MASBATEBalud, Masbate. Ang Pamahalaang Bayan ng Balud, Masbate ay naisakatuparan sa kauna-unahang pagkakataon ang mithiin na makapagbigay ng serbisyong pampubliko sa pamamagitan ng programang pang Kalusugan at Nutrisyon. Ang serbisyo isinagawa ay sa pamamagitan ng Medikal Misyon at Nutrition Promotion sa Brgy. Panguiranan, Balud, Masbate. Ang aktibidad ay pinamumunoan ng aktibong Ama ng Bayan si  Honorable Rodolfo O. Estrella Jr., kasama ang kanyang butihing maybahay na si Ginang Vhel Estrella.

Ang programa ay itinuon sa ika-48 na taon pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon. Kasama sa paghahatid ng pampublikong serbisyo ang mga Kapulisan (PNP) ng Balud sa pangunguna ng Hepe na si Police Major Reneir J. Teofilo, dalawang (2) RHU Physicians na sina Dr. Glen Arollado at Dra. Maria Jean Theresa Cornelio kasama ang tatlongput dalawa (32) kawani ng RHU, mga hepe ng mga Departamento ng Munisipyo, mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ng Bise Mayor, Hon. Felimon C. Abelita III .

 

Nag-umpisa ang naturang Medical Mission sa isang maikling programa na pinangunahan nang Punong- Barangay ng Panguiranan, si Honorable Judy A. Nepomuceno kasama ang kanyang magigiting na Barangay Kagawad at mga Tanod. Sa maikling programang ay naipaabot ng mga hepe ng bawat departamento ng munisipyo ang mga proyekto at programa ng kani-kanilang mga opisina na maari mapakinabangan ng mga mamamayan para sa mabuting kalusugan at nutrisyon.

Nabigyang diin ni Bise Alkalde Abelita, na isusulong ang paggawa ng mga Ordinansa na tuluyan ng matuldukan ang “illegal fishing” na naging sanhi ng pagkasira ng yamang-dagat. Kaya’t hinikayat ng Bise Alkalde ang mamamayan na mapangalagaan ang yaman-dagat sa munisipyo. Ang programa ay nagtapos sa mensahe ni Alkalde Estrella, na nagpahayag ng kanyang mga proyekto at programa sa inprastraktura at turismo na makapagbibigay ng maraming trabaho  at malaking kita upang maging daan tungo sa pag-unlad ng bayan ng Balud at malabanan ang kagutuman na sanhi ng malnutrisyon.

Pagkatapos ng maikling programa ay naisagawa ang Misyong Medikal. Ang mga serbisyong naihatid sa mga kabarangay ay ang  pamimigay ng libreng gamut katulad ng mga bitaminang “iron with folate, libreng medical check-up para sa mga buntis at sa mga bata naman ay libreng tuli at pamimigay ng bitamina C. Namigay din IEC materials sa mga buntis, matatanda at sa mga PWDs, serbisyong Nutri-Agrikultura sa pamamagitan ng pamimigay ng buto (vegetable seeds) para sa “backyard gardening” na isisinusulong ng pamahalaang Balud para sa bawat pamilyang nasasakupan. At nagkaroon ng isang Special Session na isinagawa para sa mga Sangguniang Bayan na dumalo sa programa. Mahigit dalawang daan (200) katao sa Brgy. Panguiranan at sa mga karatig barangay nito ang nakinabang sa naturang Misyong Medikal.

Sa ngalan ng Pamahalaan ng Balud, Masbate sa pamumuno ng Alkalde ay lubos ang kasiyahan, saludo sa kadalisayan ng mga puso ng mga nagboluntaryo na hindi napapagod na magbigay ng walang kapantay na serbisyo sa kanyang minamahal na nasasakupan. Pinaabot ng alkalde ang malaking pasasalamat sa lahat ng mga nakiisa, at tumulong sa naganap na Misyong Medikal. Binigyang diin din ni Mayor Estrella na ito ay panimula pa lamang sa nais niyang maging buwanan na paghahatid serbisyong medikal ng munisipyong Balud sa mga barangay. Tunay ngang kahanga-hanga ang pagkakaisa ng lahat, kapag sama-sama, ano mang misyon ay mapagtatagumpayan! ( MNAO Alcagno/MCCH/OIC MCV).