Sa tatlumpot apat na kalahok na mga Nutriskwela Community Radio Stations sa buong Pilipinas nakakuha ng tatlong parangal ang Radyo Katribu 103.3 FM sa kabila ng dalawang taon pa lamang ito nagsimula bilang bahagi ng Nutriskwela Community Radio ng National Nutrition Council.
Isinagawa ang parangal noong 7th Nutriskwela Conference Awarding Ceremony na ginanap sa Lungsod ng Baguio noong 8 Pebrero 2017.
Sa apat na entries na sinalihan ng Radyo Katribu, tatlo sa mga ito ay natanghal bilang Best Program Manager (Johnary Orella), Best Female Broadcaster (Grace Alindao) at ang Best News Writer (Caesar Ian Bognoson). Bukod rito ay itinanghal rin bilang pangalawang Best Radio Station ang Radyo Katribu na sumunod lamang sa Radyo Kailian ng Ilocos Sur Polytechnic State College mula sa Sta. Maria, Ilocos Sur.
Sa nakaraang 6th Nutriskwela Conference na ginanap sa Lanao Del Norte, nasungkit din ng Radyo Katribu ang Best Female Broadcaster, Best News Writer at Best Radio Programming.
Isang malaking karangalan ang manalo ng mga nabanggit na parangal, na sa kabila ng masyado pang bago ang Radyo Katribu ay nagkamit na ito ng papuri mula sa NNC. Lubos na nagpapasalamat ang Radyo Katribu sa mga taong naging bahagi ng tagumpay na ito.
(Contributor: Engr. Bary Lugan, Station Manager Radyo Katribu)
Radyo Katribu, muling humakot ng parangal sa 2nd Nutriskwela Awards
- Details
- Category: Region 12