MENU

nutridoseIsinusulong ngayon ng Nutrition in Development Organization of Social Educators o Nutri-DOSE katuwang ang National Nutrition Council Region 12 ang Local Chief Executives Spouses Advocacy Meeting bago matapos ang taong 2018. Ito ay upang hingin ang kanilang pagsuporta at pagtulong na mas palakasin pa ang mga programa ng bawat Local Government Units upang agad ma-aksyonan ang malnutrisyon sa rehiyon.

Naniniwala ang Nutri-DOSE at NNC 12 na malaki ang papel at maiaambag ng bawat maybahay ng mga alkalde ng bawat munisipyo/siyudad o probinsya na matugunan ang usaping pang nutrisyon sa kani-kanilang mga kinasasakupan.
Layunin din ng nasabing pagpupulong na matulungan ng mga maybahay ang kani-kanilang mister o misis na kasalukuyang alkalde na alamin kung gaano kaepektibo ang bawat nutrition-related interventions na isinagawa o kasalukuyang ginagawa sa kani-kanilang lugar at kung paano pa ito mas mapapalakas.
Sa pamamagitan nito, sama sama ang bawat isa na maisakatuparan ang mga nakapaloob sa Philippine Plan of Action for Nutrition o PPAN na naka-angkla sa Philippine Development Plan ng gobyerno upang paigtingin ang nutrisyon sa bansa. 

By:Jake Manero/Nutri-DOSE