MENU

Benespisyo ng Breastfeeding 1Kasabay sa paglaki ng isang sanggol ang pagdami ng gatas na mailalabas ng isang ina galing sa kanyang suso. Sa unang 3-7 araw mula pagkapanganak, unti-unting lumalakas ang pagdami ng gatas ng isang ina kasabay nga maya’t mayang pagsuso ng kanyang anak.

Masustansiya, ligtas at malinis na pagkain ang gatas ng ina. Ito ay nagbabago ayon sa sustansiya ng pagkain na kinakain ng isang ina. Ang isang bagong panganak at tuloy-tuloy na pagpapasuso ay hinihimok na kumakain ng masustansiyang pagkain lalo na ang mga prutas, at mga luntiang gulay.

 Natural na pagkain ang gatas ng ina para sa kanyang sanggol. Ito ay may tamang sangkap ng protina, pampataba at pampatalas ng kaisipan, Malaking bahagi ng gatas ng ina ay naglalaman ng tubig (88-90%) kung kaya hindi na kailangan bigyan ng tubig at sanggol na sumususo sa kanyang ina.

Sa loob ng anim na buwan ng eksklusibong pagpapasuso ng isang ina sa kanyang anak, tuloy-tuloy ang pagsalin ng resistensiya (o antibodies) na magiging proteksiyon ng isang sanggol laban sa mga sakit tulad ng pagtatae, pulmonya at tigdas.

Ayon sa mga pananaliksik at pag-aaral ng mga eksperto at dalubhasa, mas mataas ang IQ o katalinuhan ng mga grupo ng sanggol o bata na napasuso sa gatas ng ina kumpara sa grupo ng sanggol o bata na uminom ng milk formula.

Mas mabils ang pagtangkad nga katawan, pagbigat ng timbang, ganundin ang pagtalas ng isipan ng isang batang sumususo sa kanyang nanay.

Ang Breastfeeding TSEK (Tama, Sapat, at Eksklusibo) ay may layuning hikayatin ang mga Nanay na magpasuso sa anak simula pagkapanganak hanggang mag anim na buwan.