Radyo Mo sa Nutrisyon bid farewell to its listeners after 10-year run on 5 September 2020. The episode was entitled “RADYO MO SA NUTRISYON –The Final Broadcast. Program anchors Ms. Jovie Raval, Chief of Nutrition Information and Education Division, NNC and DZXL’s Rod Marcelino jointly expressed gratitude to everyone who contributed to the success of this nutrition education platform.
Here are some heartfelt farewell messages of listeners from Western Visayas:
Nonoy Amante, 20 y.o. from Cadiz City, Negros Occidental
“Maraming salamat po sa mga aral na inyong naituro sa amin. Dahil po sa programa ninyo ako po ay nag umpisang mag ehersisyo at kumain ng masustansyang pagkain para sa aking healthy lifestyle. Hindi ko po makakalimutan ang lahat ng naituro niyo sa amin. Maraming salamat po! Sana po ay bumalik ang inyong programa para marami pa kaming matutunan at madagdagan ang aming kaalaman tungkol sa nutrisyon.”
Moderose Postero, 43y.o. from Bacolod City, Negros Occidental
“Aking farewell message sa Radyo Mo Sa Nutrisyon ay nagpapasalamat po ako sa inyong programa dahil hindi lamang nakapanalo ako nga load sa programa ninyo kung hindi may marami po akong natutunan sa inyong programa pati sa mga pagkaing pang nutrition at isang malaking tulong po ninyo sa aking pamilya, sa aking mga anak kung paano maghanda ng masustansyang pagkain kaya maraming salamat po. Mamimiss ko po ang programa ninyo na hindi ko kayo maririnig tuwing araw ng sabado. Sana magbalik kayo. Naschock ako ng sinabi niyo nagpapaalam. Akala ko walang katapusan ang programa niyo. Iyon lang naman ang inaabangan ko tuwing sabdo ng tanghali. Mamimiss ko kayo RADYO MO SA NUTRISYON. Sana magbalik pa ang Radyo Mo sa Nutrisyon ”
Mary Rose Amasan, 27 y.o from Negros Occidental
“Maraming salamat po sa lahat ng mga payo na naibibigay nga Radyo mo sa Nutrisyon. Marami po kaming natutunan sa lahat ng mga episode na pinapalabas. Lalong lalo na po ako ay isang ina na ngayon, hindi ko man po lahat nasusubaybayan ang mga episodes pero nung dalaga pa po ako talagang malaking tulong po ang lahat ng mga bagay para makamit ang tamang nutrisyon. Ang mga simpleng gabay sa pagluluto at sa mga sakit na dapat naming agapan ay na apply ko po ito ngayon sa aking mga anak. Nakakalungkot naman na matatapos na po ang Radyo Mo sa Nutrisyon. Dahil alam kong mas marami pa kayong maitutulong sa mga kababayan nating kulang ang kaalaman sa tamang nutrisyon. Lalo po ngayon na nakakaranas ng pandemya sa buong mundo. Inaabangan po namin lagi ng tatay ko tuwing tanghalian. Pagkatapos po ng pananghalian ay naging bahagi na rin ng aming buhay. Salamat po sa lahat lahat ng naitulong niyo sa amin at sa ating mga kababayan sa buong mundo. God bless po. At hindi kami susuko na magsuporta sa inyong programa. Aaabangan at aabangan namin iyan kung sakali babalik po kayo nga may mas marami pang tip at solusyon para sa tamang nutrisyon. ”