MENU

BNS CSE articleLUNGSOD NG QUEZON, Pebrero 20--Taun-taon, libo-libong Pilipino, ang kumukuha ng pagsusulit para sa Civil Service Eligibility - mapa-professional o sub-professional. Isa kasi ito sa mga requirements na kailangan kung gusto mong magtrabaho para sa Gobyerno.

Ayon sa Civil Service Commission o CSC, ang ating mga Barangay Nutrition Scholar o BNS ay kwalipikadong makatanggap ng tinatawag na Barangay Nutrition Scholar Eligibility (BNSE). Ang BNSE ay ibinibigay sa mga indibidwal na nagserbisyo na sa loob ng hindi bababa sa dalawang (2) taon (tuluy-tuloy at kasiya-siyang serbisyo) bilang BNS.

Ang BNSE ay isang first level eligibility na nagbibigay kwalipikasyon sa mga posisyon sa Gobyerno na hindi nangangailangan ng anumang “written exam” at ang indibidwal ay mayroong edukasyon o training at experience na kailangan para maging kwalipikado sa inaaplayang posisyon. Upang mag-aplay sa BNSE, ang mga kwalipikadong BNS ay inaanyayahang magpasa ng mga requirements sa Civil Service Commission.

Maliban sa BNSE, nasasaad din sa PD No. 1569 o ang “Strengthening the Barangay Nutrition Program by Providing for a Barangay Nutrition Scholar in Every Barangay, Providing Funds Therefore, and for Other Purposes” na nilagdaan noong 11 June 1978, na ang ating mga BNS ay kwalipikadong makatanggap ng training stipend, kit, at travel allowance kada taon. Iba pa ito sa honorarium na maaaring ibigay din bilang mandato ng kaniya-kaniyang munisipyo.

Sa ngayon, mayroon nang siyam (9) na BNS mula sa CALABARZON ang nabigyan ng BNSE. Sila ay ang mga sumusunod: Maribel T. Aveno (Infanta, Quezon), Melanie B. Calayo (Tayabas City), Zoila Z. Aquino (Tayabas City), Nena A. Egamino (Tayabas City), Marife G. Velasco (Bauan, Batangas), Marricel V. Arcillas (Sto. Tomas, Batangas), Nilda M. Noceda (Mendez, Cavite), Jae Claudine Castillo (Alitagtag, Batangas), at Susan A. Molina (Agdangan, Quezon).

by: Zarah Clarice T. Megino