MENU

batangas provincial isolation facilitySampung (10) Barangay Nutrition Scholars (BNSs) ng CaLaBaRZon na naka quarantine sa mga isolation facilities sa kasalukuyan ang humingi kamakailan ng tulong pinansyal sa NNC.  Sa dahilang ito, sila ay makakatanggap ng   limang libong piso (Php5,000.00) bilang medical assistance upang madagdagan ang kanilang panggastos habang sila ay nagpapagaling sa sintomas ng Covid-19.

Ang tulong ay ihahandog bilang pasasalamat at suporta sa walang sawang pagbibigay nila ng serbisyo upang maipagpatuloy ang mga programang pang nutritisyon sa kani-kanilang komunidad sa gitna ng pandemya. Nararapat lamang na tulungan ang mga BNSs dahil sa bawat araw ng paglaban nila upang masugpo ang malnutrisyon, nalalagay sa panganib ang kanilang kalusugan dahil sa pandemya.

Magpapamahagi din ang NNC ng mga BNS kits sa higit na 2,500 BNSs sa CaLaBaRzon. Ang kits ay naglalaman ng tatlong (3) washable facemasks na may tatak ng NNC, isang (1) face shield at isang (1) bote ng 500mL isopropyl alcohol na ilalagay sa isang (1) maliit na eco bag. Ito ang magsisilbing karagdagang proteksyon laban sa sakit habang ginagampanan ng mga BNSs ang kanilang mga tungkulin sa kani-kanilang mga barangay.

Hindi matutumbasan ang bawat sakripisyo ng mga BNSs upang mapangalagaan at mapagbuti ang kalagayang pangnutrisyon sa kanilang mga barangay, ngunit ang mga pinansyal na tulong ay magbibigay ng pagpapahalaga sa kanila. Maraming salamat sa mga BNSs pa patuloy nilang pagsugpo sa malnutrisyon sa gitna ng nararanasang pandemya

 Ni: Mary Emerene P. Pingol