MENU

hemb 1

Quezon City – Bilang pag suporta  sa selebrasyon ng “National Health Emergency Preparedness Day” ngayong buwan, ang NNC Calabarzon ay nagsasagawa ng mas maagap at mas maagang paghahanda para sa mga darating na sakuna at kalamidad sa tulong ng Regional Nutrition Cluster.  

Kasama sa paghahanda  ang  pagkakaroon ng response vest at iba pang emergency supplies gaya ng Emergency Go Bag at E-Balde. Ang nilalaman ng bag  ay  ang mga sumusunod: metal whistle, flashlight, boots, extra t-shirt, face mask, payong, lapel, at first aid kit.

Upang patuloy na  mailigtas ang mga nasasakop sa komunidad, binigyan din ng pagpapa halaga  ang pagsulong ng pagpalaganap ng impormasyon patungkol sa kahandaan sa sakuna at kalamidad sa pamamagitan ng mga IEC materials at social media posts sa official “NNC Calabarzon Facebook page.” Naglalaan din ng alokasyon ng pondo para sa pagpapagawa ng mga tarpaulin para sa “Breastfeeding at EO 51.”

Narito ang  dagdag na kaalaman upang masiguradong ligtas ang sarili at ang pamilya sa banta ng sakuna mula sa Department of Health:

  • Alamin ang proseso ng pagsasagawa ng hands-only cardio-pulmonary resuscitation (CPR).
  • Ugaliing magplano nang maaga at maging handa sa anumang sakuna. Palaging panatilihing handa ang iyong “Emergency Go Bag/E-balde.”
  • Ihanda ang listahan ng mga numerong dapat tawagan sa panahon ng kalamidad. Ihanda rin ang listahan ng mga malalapit na ospital na pwedeng tawagan o puntahan sa panahon ng emergency.

Lalong  napaigting at naisaayos ang DRMM-H plan ng mga lalawigan ng Calabarzon dahil sa kanilang paglahok sa katatapos lang na Nutrition in Emergencies and Information Management Training (NIEIM Training).   Makakatulong ang nasabing training para sa  mas epektibong  pagresponde sa pagdating ng mga sakuna at  mga emergencies sa kani-kanilang lungsod.

Mahalagang isaisip lagi ang kahandaan at pagiging alerto sa mga darating na sakuna o kalamidad dito sa ating rehiyon upang masigurado ang kaligtasan at maayos na kalusugan ng ating pamilya.  

Isinulat ni: Kristine Joy E. Fedilo

Reference:https://www.facebook.com/media/set/?vanity=DOHhealthypilipinas&set=a.210619363922586