MENU

nutribun judel

Ang NNC Calabarzon ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagsulong ng E-Nutribun upang sugpuin ang malnutrisyon sa rehiyon – kaya naman kamakailan,  ito ay nagpaunlak ng isang interview sa Radyo Pilipinas Lucena,  DWLC 1017khz AM.

Sa pamamagitan ni  Ms. Jhonadelle Ritz Castillo, ang ECCD F1K Provincial Nutrition Coordinator ng Quezon,  tinalakay sa programa ng radyo ang patungkol sa paanyaya   sa iba’t ibang mga lokal na pamahalaan at pribadong sector para sa pagpapalawak ng  adaptors ng  E-Nutribun.

Sa kasalukuyan,  11 na ang  lisensyado at trained adaptors ng E-Nutribun sa ating rehiyon, ngunit kung sila ay madagdagan ay  mas marami ang magiging supply ng masustansyang tinapay  para sa  mga mamamayan.

Para sa kaalaman ng mga LGUs sa ating rehiyon,  maaaring gamitin ang E-Nutribun bilang alternative food commodity para sa mga benipisyaryong bata, buntis at nagpapasusong ina  ng kani-kanilang feeding program,  o  “Dietary Supplementation Program (DSP).”

Bukod sa feeding program,  .maaari din gamitin ang masustansyang tinapay  sa  mga “Blanket Feeding” tuwing may emergency o kalamidad na dumadating. 

Katuwang  ang DOST-FNRI sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa nutrisyong taglay ng E-nutribun. Ibinabahagi nila sa social media na mahalaga ang magbigay kamalayan sa mga magulang ng mga bata tungkol sa magandang dulot ng masustansyang tinapay.

Ang nutribun ay nakilala noong 1970s, at muling inilunsad ng DOST-FNRI  noong 2020, kung saan ito ay tinawag na Enhanced Nutribun o E-Nutribun.

Tangkilikin natin  ang mas pinasarap at mas pinasustansyang, E-nutribun!  Sa ganitong paraan, mas mabilis natin masusugpo ang malnutrisyon sa rehiyon.

                                                                                                

By: Kristine Joy E. Fedilo