MENU

tin 1 feb

Sa unang bahagi ng taon, patuloy na isinasagawa ng mga  Barangay Nutrition Scholars (BNS)  ng Region IV-A  ang  Operation Timbang Plus (OPT Plus) na layon ang matukoy ang kalagayan ng malnutrisyon ng mga  batang  0-59 buwan.  

Patuloy  din na isinasagawa ng mga BNS ang ibang  programang pang-nutrisyon tulad ng pamamahagi ng Vitamin A at pagbibigay ng kauukulang aksyon sa mga batang kulang sa nutrisyon.

Ang makukuhang mga resulta at datos sa OPT Plus ang magsisilbing gabay sa mga lokal na pamahalaan sa pagbuo ng mga mas malawak na plano at mga programang tutugon sa problema sa malnutrisyon.

Ang ating mga BNS ay umaalalay  din sa mga BHW (Barangay Health Workers) at mga kawani ng Health Office na kasalukuyang nangangasiwa sa malawakang pagbabakuna sa mga batang limang taon pababa para maging protektado laban sa tigdas, rubella at polio. Ito ay  kabilang sa  Measles-Rubella Oral Polio Vaccine (MR OPV) Supplemental Immunization Activity na programa ng Department of Health ngayong buwan ng Pebrero.

Dahil sa pandemya, doble na pag-iingat ang inoobserba ng ating mga BNS. Maliban sa pagsusuot ng face mask, face shield, gumagamit din sila ng   gloves at  nag didisinfect ng mga kagamitan tulad ng height board at MUAC tapes  matapos magsukat ng bawat bata. Sa   ganitong paraan,  masisiguradong malinis at ligtas ang bawat isa sa mga ginagawang aktibidad

Samantala, tinatawagan ang mga magulang at tagapangalaga ng mga batang limang taon pababa na makiisa agad  sa nasabing  activity. Napabakunahan man o hindi, dalhin ang inyong mga anak sa Health Center o makipag ugnayan sa schedule ng bakuna sa inyong lugar. Mainam itong hakbang para matiyak ang kalusugan ng mga bata!

Isinulat ni: Kristine Joy E. Fedilo