Sa pagdiriwang ng “National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation,” ang NNC Calabarzon ay lumahok bilang isa sa mga kabilang ng Regional Sub-Committee for the Welfare of Children (RSCWC) sa kick-off activity ng Council for the Welfare of Children (CWC) noong Pebrero 8.
Ang activity ay isang virtual activity na kung saan may programang nakalaan upang alalahanin at isulong ang temang: “We Must Protect Boys Just as We Protect Girls.”
Nagkaroon ng “Soft Launching of Blue Umbrella Day (BUD) Campaign” kung saan tinalakay na ang BUD ay parte ng mga mas pinalawak na programa na nagbibigay paalala sa publiko upang protektahan din ang mga lalaki laban sa sekswal na pang-aabuso at pang-aasulto.
Ang nasabing activity ay dinaluhan rin ni Undersecretary at Executive Director V Mary Mitzi Cajayon–Uy mula sa Center for the Prevention and Treatment of Child Sexual Abuse (CPTCSA) at iba pang representante mula sa iba’t ibang ahensya.
Bawat buwan at taun-taon, ang iba’t ibang pampublikong sektor ay inaanyayahan na makidalo upang alalahanin ang iba’t ibang sektoral na pagdiriwang. Sa gayon, ang mga pribadong indibidwal, bilang kaisa ng mga mamamayang Pilipino, ay inaanyayahan ring magbigay ng atensyon sa ating mga pagdiriwang.
Ni: Zarah Clarice T. Megino