MENU

darrenz feb 1

QUEZON CITY, Pebrero 11 – Ang NNC Calabarzon ay kasalukuyang namamahagi ng mga “Stunting Flyers” sa mga nutrition workers sa  probinsiya, siyudad, at barangay sa buong CaLaBarzon. Layunin ng pamamahagi ng flyers  ang  mapadali at mapabilis ang pagpapalaganap at  paghahatid ng mga importanteng impormasyon upang  maiwasan ang “stunting” o “pagkabansot” ng mga bata. 

Ilan sa mga impormasyong nakahayag sa flyers  ay ang kahulugan ng stunting, epekto ng stunting, paraan para makaiwas sa stunting, at ang pamantayan na ginagamit sa sukatan ng tangkad para sa edad 0-24 buwan taong gulang na bata.

Ayon sa Expanded National Nutrition Survey noong  2018,  kulang sa tangkad ang 11.5% ng mga batang 0-5 buwan taong gulang;   15.5% ng  mga   6-11   buwan taong gulang;  36.6% ng 12-23 buwan taong gulang;  35.1% ng mga dalawang taong gulang;  33.8% ng mga tatlong taong gulang;  30.2% ng mga apat na taong gulang;  at 26.7 ng  mga limang taong gulang.

Base sa datos,  ang kakulangan sa tangkad para sa edad ng mga bata ay nananatiling mataas at problemang pangkalusugan sa bansa.  Sa kasalukuyan,  ang Pilipinas ay pang-lima sa mga bansa sa East Asia and Pacific Region na may mataas na kaso ng stunting sa buong mundo. Mahalagang malaman na ang stunting  ay  pamantayan sa pag-aassess ng  kalusugan ng mga bata sa bawat siyudad, munisipyo,  at barangay sa buong rehiyon.

Ang nasabing  aktibidad ay may tema na “Batang Pinoy, SANA TALL… Iwas Stunting, SAMA ALL! Iwas ALL din sa COVID-19.” Ang tema ay ginamit din  noong nakaraang selebrasyon ng buwan ng nutrisyon

By: Darrenz William M. Mateos