MENU

ems march1

Kamakailan lamang ay nakipag-ugnayan ang  NNC–CaLaBaRZon   sa CNN-4A para sa pre testing ng  "Nutrikomiks Series 7” upang makasiguro sa kalidad at pagiging epektibo ng bagong ilalabas na IEC (Information, Education and Communication) material para sa mga buntis. 

Ang ika-7 Series ng Nutrikomiks na pinamagatang "Maayos, at Ligtas na Pagbubuntis, Ating Tiyakin.” ay tumatalakay sa pangangalaga sa nutrisyon ng mga buntis.  Ang pretesting ay  dinaluhan ng 23 na mga buntis mula sa Barangay Balite sa Rodriguez, Rizal.

Ang mga sa buntis na kasali sa pretesting ay nagbahagi ng kani-kanilang kumento at mungkahi sa bawat pahina ng komiks, mula sa script hanggang sa mga imahe na nakaguhit dito. Tinanong rin  sa mga buntis  ang nakuha nilang mensahe sa bawat eksena upang masuri kung madaling matintindihan ng mga mangbabasa ang komiks.

Layunin ng Nutrikomiks Series 7 na makapag-bigay ng tamang kaalaman at maipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wastong nutrisyon sa pagbubuntis. Sa paraang ito,   sabay na  mapangalagaan ang  babaeng nagdadalang-tao, pati na ang kanyang magiging  anak  sa unang 1000 na araw na pag aalaga nito.

Ang First 1000 days ang magsisilbing pundasyon sa pag unlad ng  kalusugan at nutrisyon ng bagong panganak,  hanggang sa kanilang paglaki.

Ni: Mary Emerene P. Pingol