MENU

nm tin 2021

Kamakailan ay inanunsyo ng National Nutrition Council ang ika-47 Nutrition Month Campaign na may temang  “Malnutrisyon Patuloy na Labanan: First 1000 Days Tutukan!” Ang tema na  inaprubahan ng NNC Technical Committee noong Marso 5,   at  inaasahan na ito ay  mapapalawak pa ang kamalayan ukol sa mga pangangailangang  pangkalusugan ng  mga buntis, ina at bata na sakop ng  First 1000 days.

Kaya naman inaanyayahan ng NNC Calabarzon ang mga LGUs, pribadong sector, at mamamayan ng CaLaBaRZon na ipalaganap ang tema  at makilahok sa mga programang kaugnay ng Nutrition Month Campaign. Bukod dito, nanawagan ang NNC Calabarzon  sa mga stakeholders na ituon ang pagsisikap sa  pag lusong ng stratehiya ng  “First 1000 days of life”  upang   tuluyang maiwasan ang stunting o pagkabansot at obesity o labis na timbang ng mga bata.

Sa pamamagitan ng tema ng campaign, pai-igtingin din ang pagpapatupad at implementasyon ng RA 11148 o “Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act of 2018” sa lokal na pamahalaan.

Dagdag na panawagan  ang patuloy at tulong tulong na pagtugon sa  malnutrisyon sa bansa na pinangangambahang lumala dulot ng pandemya at limitadong mapagkukunan ng pagkain at mga serbisyong pang-nutrisyon.

Para sa mga updates, tumutok lamang sa Official Facebook Page ng NNC Calabarzon sa https://www.facebook.com/NNCRegion4A at sa First 1000 Days PH Facebook page sa https://www.facebook.com/First1000DaysPH.

 

Isinulat ni: Kristine Joy E. Fedilo