MENU

nograles

Ang NNC Calabarzon, kasama ang iba’t-ibang alkalde mula sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa, ay isa sa daan-daang mga nakilahok sa “Consultation Session ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP)” na pinangunahan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal noong Marso 29.

Mapalad na  nakasama ang  probinsiya ng Quezon sa PMNP, alinsunod sa consultation session. Ang  24 na mga munisipyo mula  sa  Quezon ay ang: Alabat, Buenavista, Burdeos, Calauag, Candelaria, Catanauan, General Nakar, Guinayangan, Gumaca, Jomalig, Macalelon, Panukulan, Patnanungan, Perez, Pitogo, Plaridel, Polillo, Quezon, San Andres, San Antonio, San Francisco, San Narciso, Tagkawayan, at Unisan.

Ang PMNP ay   isa sa mga programa ng Inter Agency Task Force (IATF) on Zero Hunger (ZH) upang masigurado na makakamit ang “zero hunger” sa iba’t ibang  munisipyo. Isinagawa ang PMNP consultation session  upang makakuha ng mga  suhestiyon, reaksyon  at mungkahi   mula sa iba’t-ibang munisipyo  sa pamamagitan ng pagsagot ng online poll.

Si Cabinet Secretary, Karlo Nograles ng IATF-ZH at si OIC-Chief, Marivic Samson ng NNC Nutrition Policy and Planning Division (NPPD) ay kabilang sa mga panauhin sa consultation session. Sila ay nagbigay ng mensahe at linaw kung bakit dapat bigyan ng pagpapahalaga ang nutrisyon ng isang bata sa unang isang libong araw o First 1000 days (F1KD).

Nabanggit sa kanilang mensahe na  ipinapakita sa mga pandaigdigang pag-aaral, na ang  stunting ay dulot ng kakulangan sa nutrisyon sa loob ng F1KD.  Ito ay pwede ring maging sanhi upang ang isang bata ay maagang mamatay, magkasakit, at mahihirapan makatapos ng pag-aaral.

Ibinahagi rin na ayon sa 2003-2019 survey ng DOST- Food and Nutrition Research Institute (FNRI), ang nutrition situation ng bansa ay bumubuti ngunit hindi sa mabilis na tulin.  Binigyan ng diin, na kung tayo ay mag-invest sa F1KD ng isang bata, mas makikita natin ang mabilis na paghusay ng nutrition situation ng ating bansa – at masolusyonan ang pagkabansot o stunting, underweight, wasting at overnutrition.

 

Naging epektibo ang mga speakers upang maibahagi kung ano ang tunay na importansya at papel ng tamang nutrisyon para sa ikauunlad ng bansa. Kung kaya’t ang mga kalahok sa consultation session (kasama na ako) ay nagpakita ng positibong tugon at reaksyon ukol sa programa.

Hindi man nakasama ang maraming munisipyo sa PMNP, hinihikayat pa rin ng NNC Calabarzon ang lahat ng alkalde mula sa Cavite, Laguna, Batangas at Rizal, na aktibong makilahok upang sugpuin ang malnutrisyon sa kani-kanilang mga lugar para sa ikauunlad ng buong bansa.

 

Isinulat ni: Zarah Clarice T. Megino, RND