MENU

ems april 1

Masayang nag post ng mga litrato sa kanilang Facebook accounts  ang  mga bagong bayani  ng nutrition sa Calabarzon, matapos na sila ay tumanggap ng bakuna laban sa Covid-19 ngayong buwan.  Ito  ay  bilang pagsuporta din sa “RESBAKUNA: KASANGGA NG BIDA,” isa sa  mga mahahalagang  programa  ng DOH ngayong taon upang masugpo ang mga epekto ng Covid-19.

Ang pagpapabakuna ng mga nutrition workers ng Calabarzon   laban sa nakamamatay na virus ay sinimulan na dahil patuloy nilang  hinaharap ang mga hamon ng COVID-19 virus. Alam nila, kasama ng ibang frontliners,  na mahalaga ang  pangangalaga ng kanilang  buhay at kalusugan. Batid din nila na   sa kanila  nakasalalay ang pag unlad ng mga programa sa nutrisyon sa kanilang komunidad sa gitna ng pandemya.

Binuo  na ang listahan ng priority groups ng mga babakunahan  noong  Pebrero  sa tulong ng  National Immunization Technical Advisory Group (NITAG), isang grupo ng health experts na nagpapayo sa  Inter-Agency Task Force (IATF)  for the Management of Emerging Infectious Diseases (MEID).

Nahahati  ang listahan  sa 3 grupo (A, B at C) kung saan ang mga nabibilang sa “A” ang ipaprayoridad sa pagtuturok ng bakuna. Ito ang  mga grupo:

A1: Mga frontline workers sa health facilities, national at lokal, pribado at pampublikong

       pasilidad; mga health professionals at non-professionals tulad ng mga estudyante,

       nursing aides, janitors, barangay health workers, at iba pa.

A2: Senior citizens na may edad 60 pataas   

A3: Mga taong may comorbidities

A4: Mga frontline personnel sa essential sectors kasama na ang uniformed personnel at mga

       working sectors na kinilala ng IATF na essential tuwing ECQ

A5: Indigent population

B1: Mga guro at social workers

B2: Iba pang government workers

B3: Iba pang essential workers

B4: Mga socio-demographic groups na may significantly higher risk bukod sa senior citizens

       at indigenous people

B5: Mga Overseas Filipino Workers (OFW)

B6: Iba pang workforce

C: Nalalabing parte ng populasyon ng Pilipinas na hindi kasama sa mga nabanggit na grupo

Karamihan sa ating mga nutrition workers ay nabibilang sa grupo na “A1” dahil sila ay isa sa may pinakamataas na exposure sa mga  sakit  dahil sa uri ng kanilang trabaho. Kasama dito ang mga Provincial/City/Municipal Nutrition Action Officers (P/C/MNAOs), District/City/Municipal Nutrition Program Coordinators (D/C/MNCPs) at Barangay Nutrition Scholars (BNS).

Kabilang din sa grupong “A1”  ang mga naging miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) na tumutulong sa pamamahala sa lahat ng mga pangangailangan sa pangangalaga ng kalusugan na nauugnay sa Covid-19.

Tunay na “at risk” ang buhay ng ating  mga   nutrition workers. Madalas din silang  nadedestino    sa mga isolation facilities at tumutulong sa mga iba’t ibang aktibidad laban sa virus kagaya ng pagbabakuna.  Ganunpaman, patuloy sila sa pagbibigay ng serbisyong pangnutrisyon sa kanilang mga komunidad.

Mabuhay ang mga nutrition workers ng Calabarzon.

 

Isinulat ni: Mary Emerene P. Pingol