Sa pag hudyat ng tag init, ang pag-inom ng sapat na tubig araw-araw ay napaka halaga upang mapanatiling malusog at malakas ang katawan. Tubig din ang makakatulong upang mapanatiling hydrated.
Ang mga mineral sa dugo ay bumalik sa normal sa pamamagitan ng pag inom ng tubig,. Mahalagang sangkap din ang tubig sa lahat ng mga tisyu ng katawan dahil ang katawan ng tao ay binubuo ng 70 porsyento na tubig.
Ang gatas na ipinapasuso ng mga nanay sa kanilang mga sanggol ay pinagmumulan hindi lamang ng sapat na nutrisyon ng sanggol kundi pati tubig na nagpapalakas. Ang gatas ng dibdib ay binubuo ng 88 porsyento ng tubig.
Para naman sa mga bata, may sapat na gulang, mga buntis at bagong panganak -- ang mga prutas ay napaghuhugutan din ng tubig. Napakaraming prutas na inilalako sa kalsada ang makakatulong upang mapanatiling hydrated at sagana sa mga bitamina.
Nangunguna sa listahan ang buko. Ang sabaw ng buko ay sagana sa electrolytes , pati na sa potassium, magnesium, sodium at calcium.
Ganoon din ang pinya. Ang pinya ay binubuo ng 87 porsyento na tubig. Kaya naman ito ay nakakapawi ng uhaw. Ika nga ng iba, ito ay matamis na tubig. Ang pinya din at mayroon vitamin C na makakatulong din sa resistensya lalo na ngayon pandemya.
Sumunod ang pakwan na binubuo ng 92 porsyento ng tubig kaya nga sa ingles, ito ay watermelon dahil sa tubig na nasa loob nito. Mayroon din itong vitamin C, vitamin A at potassium.
Manatiling malusog sa pamamagitan ng tubig at mga prutos. Ugaliing uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.
Source: www.healthline.com at www.everydayhealth.com
Isinulat ni: Aries D. Francisco