MENU

iirr revised 1

Isinulat ni: Camille Valdemoro, International Institute of Rural Reconstruction (IIRR)

Sa gitna ng pandemya, umusbong ang inisyatibo ng Community Pantry sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Ang mensahe at aral nito, “Kumuha ayon sa Pangangailangan, Magbigay ayon sa Kakayanan” kaya’t sinuman ay maaring magbigay ng anumang klase ng donasyon at sinuman ay maari ding kumuha batay sa pangangailangan ng kanilang pamilya sa isang araw. Nagsimula sa isang maliit na mesa sa Maginhawa Community Pantry, ngayon ay halos 6,715 na ang naitayo sa buong Pilipinas.

Kaya’t para sa mga organisador ng Community Pantry sa kanilang lugar, narito ang ilang mga hakbang at tips upang maging mas masustansya ang mga ayuda mula sa Community Pantry.

Una, siguraduhing mayroong makukuha mula sa go, grow, and glow food groups ang bawat pamilya. 𝗚𝗼 - mayaman sa enerhiya (bigas, mais, lamang ugat gaya ng kamote, kamoteng-kahoy, gabi, ube, patatas, tugi, atbp.), 𝗚𝗿𝗼𝘄 - mayaman sa 𝑝𝑟𝑜𝑡𝑖𝑛𝑎 (itlog, munggo, mani, tokwa, butong gulay gaya ng sitaw, bataw, patani, paayap, atbp.), 𝗚𝗹𝗼𝘄 - mayaman sa bitamina at mineral (madadahon atbp. uri ng gulay at prutas).

    

Sa panahon ngayong limitado ang pagkain ng nakararami sa komunidad, mainam na hindi malimitahan sa iisang uri ng pagkain ang nakokonsumo ng pamilya upang masiguradong may sustansyang nakukuha sa bawat ayuda. Kumain ng iba-t-ibang uri ng makukulay na prutas at gulay upang mas lumakas ang resistensya sa COVID-19 at iba pang sakit..

Ikalawa, makipag-tulungan at humingi ng mga butong pananim sa Municipal o City Agriculture Office (MAO) dahil bawat isang LGU ay nababahagian ng mga butong pananim mula sa Plant, Plant, Plant program ng DA. Makipag-ugnayan sa MAO para makahingi ng butong gulay at mahikayat ang mga kabahayan na makapagtanim ng kanila mismong makakain sa likod-bahay. Ang ibang mga MAO ay nagbibigay din ng mga materyales pantanim.

At ikatlo, busugin hindi lamang ang kumakalam na tiyan, kundi pati na rin ang isipan sa pamamagitan ng pag-akses sa ilang mga libreng references mula sa International Institute of Rural Reconstruction (IIRR) na maaring ipamigay sa mga pamilya tulad ng flyers para sa pagtatanim sa likod bahay (https://drive.google.com/.../1DoNtuC_-gU-4.../view...), booklet para sa pagtatanim sa likod bahay (https://drive.google.com/.../1NxITrNUP3_aZkSKj.../view...), recipe booklet gamit ang mga Katutubong Gulay para sa F1K (https://drive.google.com/.../1ng1NZvYWlOtoroFW6Bw.../view...), at booklet gamit ang mga ayudang pagkain na mas pinasustansya (https://drive.google.com/.../1-CStCrjQ0ynQCntINiG.../view...)

Maaari ring bumili ng mga gulay at prutas mula sa mga magsasaka sa inyong mga lugar. Bukod sa nakakatulong sa pinagbigyan ng ayuda, ito din ay magsisilbing tulong sa malilit na negosyante at mga magsasaka ng komunidad!

Kumuha batay sa pangangailangan, at magbigay ayon sa kakayahan!