Isinulat ni: BNS Patroller Lucia 'Lucy B. Oblefias-Poblacion 4-RK 107.7 FM Newsteam at ni Letty Chua ng Radyo Kaisahan, Sariaya
Dulot ng kahirapan, pandemic, mga bagyo at kalamidad, lumalala ang mga kaso ng gutom at malnutrisyon sa napakaraming pamilya sa Pilipinas. Upang makatulong na malunasan ang nasabing isyu, sinimulan na ngayong buwan ang complementary feeding program ng Sariaya-LGU para sa anim (6) na barangay.
May 120 beneficiaries, o mga batang mababa ang timbang o underweight -- na ang edad ay anim (6) hanggang 23 buwan ang makakasama sa programa.
Ang programa na inilunsad sa Sampaloc 1 noong July 5 bilang kick-off ceremony ng pagdiriwang ng 2021 Nutrition Month. Noong July 5, nakasama ang 25 beneficiaries ng complementary feeding sa Barangay 4 Covered Court.
Ayon kay Mr. Reymund Razon, MNAO ng Sariaya, “dadalhin ng mga BNS at Barangay Health Workers ang masusustansiyang almusal (tulad ng champorado, lugaw na may itlog at sopas na may itlog) sa mga napiling benepisyaryo nito.”
Bukod sa mainit na lugaw na may itlog, ipinagkaloob din sa mga nanay ang mga multivitamins, ferrous sulfate, hygiene kits, recipe books, nutri curls, at vegetable seeds. Binigyan din sila ng mga eating utensils na gagamitin nila sa feeding sa mga susunod na mga araw.
Dagdag pa ni Mr. Razon, inaasahan na magiging normal na ang timbang ng mga bata pagkatapos ng complementary feeding.
Hangad din ni Gng. Whena Laguartilla (isa sa mga nanay na may anak na underweight) na magkaroon ng pagbabago sa timbang ang kanyang anak pagkatapos ng feeding program.
Samantala, tinuruan din ng mga midwife at BNS ang mga nanay tungkol sa kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso sa kanilang mga anak. Ipinaliwanag na walang anumang ibang pagkain at tubig na ibibigay sa mga sanggol sa loob ng anim na buwan kundi gatas lamang ng ina, at pag-tungtong ng anim na buwan ay saka magbibigay ng karagdagang pagkain.
Dumalo rin si Dr. Irma V. Cadiz na nagsagawa ng dental check-up at nagpa-raffle ng anim na kahon ng mga toothbrush (Oral Health Care para sa mga batang ang edad ay 3 buwan) na lalong nagpasigla sa palatuntunan.
Paalala ni Ms. Rosemarie Ayag, isang midwife, ang regular na pagpunta ng mga nagdadalantao sa Health Center upang mabigyan ng mga bitamina at payo hinggil sa kanilang pagbubuntis.
Masaya rin na nag tulong-tulong sila BNS Lucy Oblefias at ang mga Barangay Health Workers tulad nina Ms. Myrna Umilda at Ms. Raquel Dimaculangan sa pagpili ng mga nanay at ang pag-aayos ng venue.
Sa tema ng buwan ng nutrisyon ngayong taon na “Malnutrisyon Patuloy na Labanan, First 100 Days Tutukan!” – at sa patuloy na pagpalawak ng complementary feeding program, may pag asang malulunasan ang problema ng gutom at malnutrisyon