Kamakailan ay ginanap ang Virtual Regional Workshop in Formulating Local Nutrition Action Plan (LNAP) na dinaluhan ng 34 na LGUS na may 70 participante na mula sa City/Municipal Health Office, City/Municipal Nutrition Action Office, City/Municipal Planning and Development Office at ng City/Municipal Budget Office.
Ang workshop ay naging matagumpay sa pangunguna at inisyatibo ng Provincial Nutrition Action Office (PNAO) ng Probinsya ng Quezon at ng NNC na pinamumunuan ni Ms. Carina Santiago, Regional Nutrition Program Coordinator (RNPC).
Sa unang araw, iminungkahi ni Ms. Santiago na lagyan ang mga LNAP ng dagdag na budget at maisama at maaprubahan sa Local Development Plans at Annual Investment Plan. Kasunod nito ay ipinakilala ang mga dumalo sa workshop na pinangunahan ni Ms. Joan-Zeta Decena, District Nutrition Program Coordinator (DNPC) ng Provincial Nutrition Action Office.
Samanatala, tinalakay ni Mr. Edward Paglinawan, Nutrition Officer (NO), ang pinagmulan, kasalukuyang estado at layunin ng workshop.
Kasunod, ang usapin tungkol sa “Formulating the Nutrition Situation Analysis (Presentation of Sample Nutrition Situation at Workshop Breakout Session)” ay pinangunahan ni Ms. Zarah Clarice Megino, NO, kung saan ay hinati-hati ang mga kalahok sa kani-kanilang mga silid kasama ang mga facilitators.
Sa ikalawang araw ay tinalakay ni Ms. Mary Emerene Pingol, Provincial Nutrition Coordinator (PNC) ang tungkol sa Sesyon 1 tungkol, ang “Setting Outcome Targets for the Province and LGUs”. Sumunod ay si Ms. Joan Zeta-Decena, DNPC para sa Sesyon 2, “Defining Programs and Projects to Achieve Outcome Targets.” Matapos ang usapan, dumako ulit sa mga breakout rooms ang mga kasali upang mas lalong matutukan ang mga kailangang gawing worksheet na parte ng LNAP.
Sa ikatlo at huling araw, pinangunahan ni Ms. Ma. Jhonadelle Ritz Castillo, PNC, ang usapan ukol sa “Estimating Budgets for Nutrition Programs, Projects and Activities (PPAs) with Health and Nutrition.” Ito ang detalyadong costing workbook na makakatulong sa mg LGUs na malagyan ng naangkop na pondo ang bawat PPAs sa nutrisyon. Pagkatapos ng makabuluhang talakayan ay tumungo ulit ang mga kalahok sa kani-kanilang mga break-out room.
Inaasahan na maisusumite ng mga LGUs ang kanilang mga natapos na worksheet assignment upang patuloy silang mabigyan ng Technical Assistance ng NNC CaLaBaRZon.
Sa sama-samang pagtutulungan laban sa malnutrisyon, maraming nagpaabot ng kanilang mensahe.
Isa na si Ms. Joan-Zeta Decena, na ibinahagi na “LNAP Workshop is a great help and opportunity for every nutrition implementer of Quezon Province, to upscale the level of competencies in terms of program planning and implementation. Thank you NNC.”
Ipinabatid rin ni Mr. Ralph Jade Basto, Municipal Nutrition Action Officer ng Jomalig, Quezon na “Napakaganda po ng LNAP workshop dahil ito po ay makakatulong para maayos na makapagplano at para mabawasan ang bilang ng malnutrition sa aming bayan”
Idiniin naman ni Ms. Graciella Ramos, MNAO ng Candelaria, Quezon na “The Covid-19 pandemic has greatly affected the lives of people worldwide and it is expected that it will result to increased number of nutritionally-at-risk population in different regions of the country. Therefore, interventions addressing the effect of the pandemic on health and nutrition must be integrated in all levels of local nutrition action plans. Workshops on LNAP for C/MNC members are very timely and important.”
Dagdag ni Ms. Ramos, “Despite the challenges brought by community quarantine in conducting training, the workshop is considered as a success both among the organizers and attendees. The goal of the activity in addressing the unprecedented challenge on public health was realized.“
Ang LNAP workshops ay patunay na patuloy ang magandang serbisyo ng ating mga kabahaging LGUs. Lubos naman ang pasasalamat ng NNC CaLaBaRZon sa lahat ng dumalo, nakibahagi at natuto sa workshop.
Isinulat ni: Edward C. Paglinawan