Naging matagumpay ang “Buntis Congress,” “STI/HIV/AIDS Awareness Caravan” at “47th Nutrition Month Celebration” na ginanap sa Bayan ng Rodriguez-Montalban, Rizal ngayong taon.
Kasama sa mga talakayan ay ang “Teenage Pregnancy,” “Adolescents Sexual and Reproductive Health,” “Family Planning,” “STI/HIV/AIDS Awareness” “Information Dissemination” at “No Scalpel Vasectomy” na dinaluhan ng 150 mga miyembro ng iba’t ibang barangay ng munisipyo.
Tinalakay ni Provincial Nutrition Focal Point Mary Emerene Pingol ng NNC CaLaBaRZon ang tema ng Nutrition Month ngayong taon na “Malnutrisyon patuloy na labanan, First 1000 days tutukan!". Layunin nitong na makapagbigay ng tamang kaalaman sa mga buntis at hikayatin ang lahat na sumuporta at makibahagi sa pagsugpo sa lahat ng uri ng malnutrisyon sa pamamagitan ng pagtutok sa First 1000 days ng bata.
May naganap rin na “Cooking Contest,” “Tula Writing Contest,” pamamahagi ng mga “Buntis Kits” at libreng “HIV Testing” para sa lahat ng mga buntis.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Nutrition Office kasama ng Municipal Health Office, Municipal Population Office at Rotary Club of Rodriguez.
Mahalaga ang pagpapalawak ng kamalayan ng mga kababaihan tungkol sa pagbubuntis, at panganganak, lalo na sa unang bahagi ng First 1000 Days ng bata. Kaya naman, tungkulin ng mga buntis na magkaroon ng sapat na nutrisyon at tamang kaalaman upang mas matutukan ang nutrisyon ng kanilang magiging anak.
Sa pakikiisa, pagsuporta at pagsama sama ng bawat isa sa pagtutok sa unang 1000 na araw ng mga bata, masusugpo ang lahat ng malnutrisyon sa bansa.
Ni: Mary Emerene P. Pingol