Sa tulong ng NNC Calabarzon, matagumpay na nakatanggap ng sertipiko ng eligibility mula Civil Service Commission (CSC) si Ms. Maria Cecilia Exconde -- dating Barangay Nurtrition Scholar (BNS) ng San Pablo City at isa sa mga kauna-unahang BNS sa syudad na nahandugan ng nasabing sertipiko.
Sa kasalukuyan, si Ms. Exconde ay nagtratrabaho sa City Population Office or POPCOM bilang Job Order at pinoproseso ang kanyang pagka-regular sa trabaho. Malaki ang pasasalamat niya sa NNC Calabarzon na sumuporta sa kanya sa pag-aasikaso ng kanyang eligibility. Magagamit niya ang natanggap na sertipiko upang ma regular sa trabaho.
Sa pamamagitan ng BNS Handbook na ipinamigay ng NNC, natuklasan ni Ms. Exconde na maaaring maging civil service eligible ang isang BNS kung nakapaglingkod na ng hindi bababa ng dalawang taon. Siya naman ay may tatlong taon nang masayang nanilbihan sa Siyudad ng San Pablo.
Hindi naging madali para kay Ms. Exconde ang nasabing aplikasyon dahil sa pagdating ng pandemya, ngunit patuloy niyang pinagsikapan ang layunin na magkaroon ng regular na trabaho sa gobyerno at magsumite ng mga kinakailangang dokumento sa NNC Calabarzon Regional Office.
Inirerekomenda din ni Ms. Exconde ang eligibility sa mga dating kasamahan na BNS upang makatulong ito sa kanilang pagsisilbi bilang kawani ng gobyerno. Ang NNC Calabarzon ay lagi ring nakahandang tumulong at tumanggap ng mga aplikasyon at katanungan para sa mga kwalipikadong aplikante.
Para sa mga butihing BNS na nais magsumite ng kanilang aplikasyon, makipag-ugnayan sa kanilang lokal na Nutrition Action Officer at ipadala ang orihinal na kopya ng mga sumusunod na dokumento:
- Endorsement letter mula sa Mayor na naka-address kay:
AZUCENA M. DAYANGHIRANG, MD, MCH, CESO III
Assistant Secretary and Executive Director
National Nutrition Council
Nutrition Building, 2332
Pasong Tamo Extension
Taguig City, Metro Manila
- Certified photocopy ng (2) designation/appointment paper signed by Barangay Captain/Mayor (1st appointment and recent appointment)
- Certified two (2) BNS masterlist with name and complete details of BNS, per year of service (recent consecutive year) signed by P/C/MNAO and Mayor
- Certified photocopy of BNS ID o government issued ID
- Certificate of Completion for BNS Training and Practicum and at least two (2) certificates of attendance/participation from relevant training
- PSA certified Birth Certificate
By: Darrenz William M. Mateos