Sa masayang pagdiriwang ng NNC Calabarzon “Tiktok Challenge” sa “Buwan ng Nutrisyon” noong Hulyo, naipakita ng 13 kalahok ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng ”First 1000 Days” o F1K gamit ang “Laking 1000 Jingle” at sa pamamagitan ng kanilang mga nakakahangang talento sa pagsayaw at pag-indak.
Mga Kampeon. Ang nanguna at nagwagi sa patimpalak ay ang City Nutrition Office ng City of Sta. Rosa, Laguna na umabot sa 1,400 reactions sa NNC-Calabarzon Facebook Page at nagkamit ng P10,000.
Pumangalawa ang mga Barangay Nutrition Scholars ng Calaca, Batangas na may 953 FB Page reactions, at nagkamit ng P5,000.
Ang pangatlong nanalo ay ang Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal na may 765 FB Page reactions, at nagkamit ng P3,000.
Ang pang-apat na puwesto naman ay sa Barangay Health Alliance ng Lucena City, Quezon na umabot ng 538 FB Page reactions. Ang pang-lima ay sa Barangay GSIS, San Pedro City, Laguna na may 570 FB Page reactions. Ang ika-apat at ika-limang puwesto ay nagkamit naman ng P1,000 consolation prizes.
Congratulations sa mga nanalo!
Ang mga imbitadong hurado ay sina Ms. Kristine Fedilo (dating Nutrition Officer I ng NNC Calabarzon); Mr. Neil Evangelista (Nutritionist-Dietitian ng DepEd Calabarzon); at Mr. Harold David (Information Officer II ng PopCom CaLaBaRZon).
Ang paligsahan ay batay sa criteria na 30% para sa execution; 40% para sa creativity at relevance to the Nutrition Month theme; at 30% para sa audience impact (bilang ng mga reactions sa FB). Sa kabuuan, ay 100 ang iskor.
Upang maging updated sa mga nutrition news and events, huwag kalimutang i-Like, Follow, at Share ang official Facebook page ng NNC–CaLaBaRZon sa www.facebook.com/NNC.Region4A
Isinulat ni: Aries D. Francisco