MENU

zarah december 2021 article

Noong Disyembre 13, nakiisa ang NNC Calabarzon sa “Rehabilitation at Recovery Plan (RRP) Investment Program” teleconference upang maibahagi ang mga naipatutupad nilang  mga  Programs and Projects (PPs)  para sa covid19 pandemic.

Ang  PPs ay naisumite na sa Committee on Recovery and Rehabilitation ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRM). 

Sa RRP teleconference, iniulat ni Ms. Zarah Megino, ng NNC Calabarzon, ang  ilan sa mga isinumite at aprobadong Programs at Projects (PPs)  kagaya ng paggamit ng quadmedia sa pagsusulong ng kampanya para sa tamang nutrisyon. Ang quadmedia ay gumagamit ng video materials ukol sa ECCD-F1K, 10 Kumainments (jingle sa nutrition during COVID-19) atbp.

Kabilang din sa kampanya  ng NNC Calabarzon ang dalawang batch ng  “Dietary Supplementation Program for Pregnant and Lactating Women,” at “Workshop on Integrating Nutrition in the 2020-2021 Annual Investment Program”   na naisagawa ng NNC Calabarzon mula 2020 hanggang 2021.

Ang (RRP) ay binubuo ng mga stratehiya, PPs,  at activities na naglalayon na matulungang masolusyunan at maibsan ang socioeconomic impacts (pinsalang dulot) ng covid 19 pandemic sa rehiyon. Ang mga PPs ay tumutulong din sa mga mamamayan ng Calabarzon sa pagharap nila sa mga komplikasyon  ng “new normal”.

Layunin din ng teleconference  ang  mamonitor ng estado ng programs, projects at activities na ipinangakong ipapatupad ng mga LGUs at ng mga Regional Line Agencies.

Ang mga nasabing update ay isusumite sa NEDA Calabarzon sa ilalim ng RDC RPMC Resolution No. IV-A-12-2021 o  “Monitoring and Submission of Progress Reports of Rehabilitation and Recovery Investment Programs.”

Kasama din sa  RRP teleconference ang Agriculture and Fisheries ng  DA; BFAR; NIA; Settlement and Housing ng  DHSUD; NHA; (Social Sector);  DOH; DSWD; POPCOM; PDRRMO Batangas; Tourism and Livelihood ng  DTI; DENR; DOLE; (Infrastructure Sector) DPWH; and Governance Sector ng  DILG;  PNP;LTO at  DBM.

Isinulat ni: Zarah Clarice T. Megino