MENU

gga article May2022

Mga ka-Nutrisyon! Nasa FB page na ang ika-7 series ng Nutri-komiks ng NNC Calabarzon na pinamagatang “Maayos at Ligtas na Pagbubuntis, Ating Tiyakin!”

Halina! Basahin at tangkilikin na natin ang bagong series sa link na ito:  https://www.facebook.com/NNCRegion4A

Ang bagong serye ay napapanahon dahil dumarami ang maagang  nabubuntis  lalo na sa mga lugar na nakakaranas ng kahirapan, kung saan kulang pa ang kanilang kaalaman tungkol sa mga responsibilidad at mga kaakibat ng pagbubuntis  na maaaring magdala ng maraming  komplikasyon.   

Kaya, ang ika 7 serye  ng nutri-komiks ay magsisilbing gabay sa mga bagay  na dapat malaman ng mga nagbubuntis   tungkol sa tamang pagkain, wastong nutrisyon at pag-aaruga na makakatulong sa kanilang pagbubuntis.

Sa bagong nutri-komiks, binibigyan diin ang First 1000 Days ng isang bata, na kung saan sa unang araw palang ng pagbubuntis ay importante na mabigyan si baby ng sapat na pag-aaruga at masustansya at sapat na pagkain.

Ipinaliwanag rin na sa pagbibigay ng karagdagang pagpapakain na nagsisimula sa ika-anim na buwan ni baby, maari nating tandan ang DDULA. Ito ay ang Dami, Dalas, Uri, at Lapot ng pagkain na ibibigay natin sa kanya.

Nabanggit din  ang regular na pagpa-check-up sa   mga barangay health centers upang makatanggap rin si baby ng naaayon at nasa panahon na bakuna tulad ng sa tetanus at diphtheria (TD) vaccine. Dagdag pa, ang ina ay maaring humingi   ng iron-folic acid supplement upang maiwasan ang anemia at anumang uri ng birth defect ng sanggol.

Sa pamamagitan ng bagong serye ng nutri-komiks, marami ang matutulungan upang magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa pagbubuntis at pag aalaga ng sanggol. Ipalaganap natin ang pagbabasa at pagsunod sa gabay ng  nasabing nutri-komiks.

Isinulat ni:

Geraldine G. Aladin