MENU

jing june 2022

Ang NNC Calabarzon ay namahagi ng Pinggang Pinoy brochures sa  142 LGUs ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon noong Marso at Abril ngayong taon  upang  mabigyan ng tamang gabay sa wasto at sapat  na  nutrisyon ang  mga  inang buntis at nagpapasuso,  mga teenager,  adults, at mga elderly ng rehiyon.

Isang gabay na madaling maunawaan, ang Pinggang Pinoy ay nagsisilbing visual tool na maaaring gamitin upang malaman natin ang tamang proporsyon ng pagkain sa bawat food groups. Ang tool na ito ay mahalaga upang masigurado na matugunan ang enerhiya at nutrient na kailangan ng ating katawan.

Ang Pinggang Pinoy brochures ay naglalarawan ng mga iba’t ibang pangkat ng pagkain na madaling sundan at maintindihan. Kasama ang GO, GROW at GLOW foods. 

Ang GO foods ang mga pagkaing nagbibigay enerhiya para lumaki at lumakas ang katawan, at kasama na rito ang mga carbohydrates. Ang GROW foods ay mga protina, upang lumaki at lumakas ang katawan. At ang GLOW foods, kagaya ng mga prutas at gulay,  ay nagbibigay ng vitamins at minerals  upang maging malusog ang katawan.

Bukod pa rito, ang visual tool na ito ay individualized per age group – kids (3-12 years old), teens (13-18 years old), adults (19-59 years old), older persons (60 years old and above) at para sa mga nagpapasuso at buntis.

Karagdagan pa rito, nakapaloob rin sa brochure ang sample ng “One Day Meal” upang magbigay gabay at halimbawa sa mga babasa nito. Binibigyan din ng halaga ang pag-inom ng maraming tubig, pagtulog at pag ehersisyo.

Ang tool na ito ay binuo ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST).

Laging tatandaan, ang masustansyang pagkain ay nakabubuti hindi lamang sa ating pangangatawan kundi pati na rin sa ating kaisipan.

Isinulat ni: Geraldine G. Aladin, Administrative Aide VI