Matagumpay na naisulong noong Agosto 17 at 18 ang mga “Plano sa Nutrisyon” ng Region IV-A LGUs para sa priority Programs, Projects, and Activities (PPAs) ng kanilang 2023 Annual Investment Programs (AIPs) sa tulong ng NNC Calabarzon na pinamumunuan ni RNPC Carina Z. Santiago.
Sa kabuuan, ang aktibidad ay nilahukan ng 36 participants na binubuo ng local nutrition, health, budget and planning officers at mga kinatawan nito mula sa napiling 12 HDPRC Areas sa Quezon Province, kabilang ang Baras at Rodriguez, Rizal (ECCD F1K Areas).
Kasama sa highlights sa unang araw ng 2-day Zoom online workshop ay ang pagtalakay ng mga “Update sa Devolution and Transition Plan (DTP) para sa mga LGUs.” ni Ms. Ella Loraine D. Obra, OIC-Chief Budget and Management Specialist ng DBM4A.
Sumunod ay ang introduction sa “online AIP workshop”; “DTP on nutrition” (na aprubado na kasama ng DTP ng DOH); “workshop mechanics at guidelines”; “open forum”; at talakayan sa costing workbook.
Binigyang-diin din ang aktibidad sa pamamagitan ng break out session kung saan ang mga LGUs ay ginabayan ng NNC RO4A sa paglikha ng mga badyet base sa priority PPAs on nutrition at Mandanas-Garcia Ruling.
Sa ikalawang araw, ginawa ang presentasyon ng costing workbook ng LGUs na pinangunahan ni Provincial Nutrition Action Officer (PNAO) na si Joan Decena ng Quezon Province, ni Assistant Municipal NAO Rona Rogelio ng Mulanay, Quezon at ni Asst. MNAO, Maria Teresa Ustare ng Polillo, Quezon.
Lubos na natuwa si RNPC Santiago sa output ng LGUs dahil sa kanilang mga priority PPAs on nutrition na kasama sa mga plano for 2023 at maaaring paglalaanan ng budget. Nagbigay rin siya ng komento, at rekomendasyon
Idiniin na mapupunta ang budget sa mga programang ito: ng First 1000 Days, Philippine Integrated Management on Acute Malnutrition, Enabling Program, at Nutrition-Sensitive Programs, hiring of additional personnel for nutrition.
Itinampok rin ang tulong na nagagawa ng HRH staff, complement ng DOH, upang makamit ng Mulanay, Quezon (15 HRH sa Mulanay) ang 104 percent coverage ng prenatal visit, 107 percent rate sa eksklusibong pagpapasuso.
Ang 2-day activity ay nagtapos sa closing remarks ni RNPC Santiago. Lubos siyang nagpapasalamat sa mga lumahok at nakiisa sa activity ng rehiyon at sinabing “I hope that you were able to appreciate this workshop and what this aims to achieve in response to malnutrition problems.”
Ang workshop ay bahagi ng over-all LGU mobilization strategy – Component 1 ng four-component strategy para sa LGU mobilization ng NNC Governing Board Resolution No. 4 noong Abril 2019. Ang resolution ay may layuning mapanatili ng mga LGUs ang mga tagumpay sa nutrisyon, mula sa mga workshop ng AIP na nagsimula noong 2019, na taun-taon ay nagpapatuloy hanggang sa taong ito.
Mahalaga ang pagpapahalaga ng mga LGUs para sa mga PPAs ukol sa nutrisyon, ang paglaanan ito ng pondo at pagplanuhan ito ng ating mga local na mamumuno -- para sa mas maunlad at masaganang Calabarzon.
Isinulat ni: Zarah Clarice T. Megino