Sa nakaraang “Virtual Deliberation of Search for Calabarzon MELLPI Pro Awardees for LNFPs” na ginanap noong Setyember 28, 2022, kinilala na ng Regional Nutrition Evaluation Team (RNET) ang mga tatanghaling Regional Outstanding Local Nutrition Focal Points (LNFPs) ng CaLaBaRZon ngayong Disyembre. Ang nasabing parangal ay isasabay sa “2022 CaLaBaRZon Regional Nutrition Awarding Ceremony (RNAC).”
Ang mga hihirangin na Outstanding LNFPs sa Region 4A ay ang mga sumusunod: 1) Calabarzon Provincial Nutrition Action Officer for the Year 2021; 2) Calabarzon City/Municipal NAO for the Year 2021; 3) Calabarzon District Nutrition Program Coordinator for the Year 2021; 4) Calabarzon City/Municipal Nutrition Program Coordinator for the Year 2021; at 5) Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar for the Year 2021.
Masinsinan ang naging talakayan ng mga RNET members, sa pangunguna ni RNPC Carina Santiago ng NNC Calabarzon, at RNET Vice-Chair Diane Ulan of DOST Calabarzon.
Ang naging resulta ay nakabase sa mga dokumentong nasuri ng mga evaluators na nagpakita ng mahusay na pagganap ng LNFPs sa kanilang tungkulin na naging daan upang magkaroon sila ng dekalidad na mga programang pangnutrisyon sa taong 2021.
Halos dalawang buwan ang Monitoring and Evaluation ng Local Level Plan Implementation Pro (MELLPI Pro) ng mga evaluators upang kilatisin ang mga pinakamagagaling na LNFPs sa rehiyon.
Samantala, ang ilan sa mga nahirang, ay inendorso ng RNET sa NNC Central Office upang maging contender ng CaLaBaRZon sa “National Evaluation” kung saan naman isasama sila pipiliin ang mga pinakamahuhusay na LNFPs sa buong bansa.
Ni: Mary Emerene P. Pingol