- Details
- Category: Region 4a
Ang mga Barangay Nutrition Scholars o BNS ang ating mga bagong bayani. Kasama ng ibang mga frontliners kagaya ng mga mga doctor, nars, pulis at sundalo – sila ay patuloy at taos pusong kumikilos upang makapagbigay ng tulong sa mga kababayan natin sa kabila ng mga panganib na kanilang hinaharap.
Dahil sa COVID-19 nadagdagan ang kanilang mga karaniwan ngunit mapanghamon na mga tungkulin. Sila ngayon ay katuwang ng mga Local Government Units (LGUs) para mas maging mapayapa at matiwasay ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Silipin natin ang ilan sa mga kahanga hangang sakripisyo ng ilan sa mga BNS kagaya ni Ms. Esherill “She” Pullan ng Barangay Palayan, Liliw, Laguna at Sir Michael “Mitch” Leonido o “Mitch” ng Barangay Pinugay, Baras, Rizal.
- Details
- Category: Region 4a
PROVINCE OF LAGUNA - Health is wealth, and keeping the body in good shape through regular physical exercise is vital particularly for frontliners during this COVID-19 pandemic. These frontliners who safeguard our kababayans nutritional well-being, are among the busiest individuals in these times of community quarantine as they directly interact with the ill and unwell patients and are also involved in the distribution of food packs to help ensure that food is available in all households.
Having considered the roles they play in this time of crisis, the health workers of City of Calamba, Laguna and Mulanay, Quezon have decided to pursue more vigorously their regular 30-minute physical activity to keep themselves fit and fab. In an interview, City Nutrition Action Officer, Ms. Aleli Jimenez of Calamba, shared that they are conducting this fitness routine called “Aqua Zumba” and “Aero Fitness” alternately every 1st and 3rd Friday of the month.
Read more: Frontliners Keep Fit and Fab During Community Quarantine
- Details
- Category: Region 4a
Mayo 15 – Maraming pa ring mga opportunidad sa gitna ng krisis. Isa na rito ang pagtatanim ng gulay sa bakuran para lalo tayong maging malusog at maunlad at matugunan ang kakulangan sa pagkain at kahirapan sa panahon ng ECQ. Ito ay magpapatunay na sipag, tiyaga at pagkamalikhain lang ang kailangan kahit limitado ang bawat galaw ng mga tao kung saan karamihan ay hindi makapag hanapbuhay.
Kaya naman, sa panglabing-isa (11) sa Advisory No. 2 ng National Nutrition Cluster, isinusulong ng mga Local Government Units (LGUs) sa kanilang mga nasasakupan, ang pagkakaroon ng home gardens o “Gulayan sa Bakuran.” Ito ay upang magkaroon ang bawat pamilya ng pagkukuhaan ng sariwa at masusustanyang gulay at upang mabawasan ang kanilang gastos sa pagkain. Ang mga LGUs ay mamimigay rin ng mga buto o punla ng mga gulay na madaling magbunga.
Read more: Isulong ang “Gulayan sa Bakuran” Upang Mapanatili ang Kalusugan Ngayong ECQ
- Details
- Category: Region 4a
Mayo 26 – Kamakailan lang ay naging patok sa mga netizens ang isang post sa NNC Calabarzon Region facebook page na nagpapakita ng mga masusustansya at madaling lutuin na mga recipes gamit ang mga de latang pagkain na karaniwang nakapaloob sa “food packs” na ipinamamahagi sa mga kabahayan ngayong may pandemya.
Ipinapakita sa mga recipes kung paano gagawing mas masustansya ang pagkain sa pamamagitan ng paglalahok ng gulay na available ngayong panahon ng quarantine. Umani ito ng mahigit sa 3,400 likes at magagandang kumento.
Read more: Gawing mas Masustansya at may Gulay ang mga Lutuin ngayong Panahon ng Quarantine
- Details
- Category: Region 4a
LAGUNA PROVINCE, 14 May – Barangay Nutrition Scholars (BNSs) are commendable recipients of the Social Amelioration Program (SAP), for they painstakingly work as frontliners and unceasingly risk their own lives in delivering nutrition services to the people (especially the marginalized and vulnerable residents in the communities during the lockdown period).
In a brief interview, Ms. Lotis Canales, an active Barangay Nutrition Scholar (BNS) since 2014 in Barangay Mamala in Sariaya, Quezon, was overjoyed after receiving the SAP cash assistance on 21 April 2020 from Barangay Mamala in Sariaya, Quezon. She said, “napakalaking tulong po ng SAP aid para sa akin at sa aking pamilya dahil sa ngayon po ang aking asawa, bagama’t OFW, ay nahinto sa kaniyang trabaho dahil sa COVID-19 pandemic. Sa tulong po ng ayuda ay nakabili na po kami ng mga pangunahin naming pangangailangan.”
Read more: NNC and DILG push for inclusion of BNS as SAP Recipients
- Details
- Category: Region 4a
CALAMBA CITY – Malaki ang pasasalamat ng mga mamamayan na nasa isla ng Polillo at Alabat sa dedikasyon ng mga frontliners at health workers na patuloy na nagbibigay ng kanilang serbisyong pangkalusugan sa Reproductive Health Units (RHU) at Barangay Health Stations (BHS). Hinahangaan din sila dahil hindi hadlang ang hirap at banta ng Covid-19 sa kanilang kalusugan upang patuloy silang makapaglingkod sa mga tao.
May mga serbisyong pang nutrisyon sa Polillo ang pansamantalang hindi na muna nagawa nguni’t tuloy tuloy pa rin ang ibang serbisyo kagaya ng pagbibigay ng bakuna sa pamamagitan ng home service. Kadalasan naman, ang consultation ay sa pamamagitan ng text o chat na lang. Nagkaroon din ng disinfection mula pa lamang sa Port of Real para sa mga tao at ayudang pumapasok sa isla.
Read more: Frontliners sa Isla: Patuloy ang Serbisyo sa Gitna ng COVID-19